MALALIM na ang gabi pero magpahanggang ngayon ay hindi pa rin natutulog si Isabella. Nakatayo siya sa harap nang nakabukas na bintana habang nakatanaw sa madilim na labas. Niyayakap siya ngayon ng malamig na hangin na nanggagaling pa sa karagatan kaya may suot siyang roba para hindi siya lamigin. Hindi makapaniwala si Isabella nang malaman kung ano iyong puting pulbos na nanggaling sa palara na nakuha niya sa lababo kanina. Hindi matanggal-tanggal iyon sa kaniyang utak at ito nga, umabot pa sa punto na kahit antok, hindi na siya dinadalaw. Mulat na mulat ang mga mata niya at para bang walang plano iyong pumikit upang matulog. Ni hindi niya naramdaman na bumigat at mga talukap niya dahil sa lalim ng kaniyang iniisip. Hindi kaya'y gumagamit si Albert ng ipinagbabawal na gamot? Malinaw niya