GABI na nang makarating sina Isabella sa Batangas. Sabay na bumaba ang dalawa mula sa loob ng sasakyan kaya nakita ni Isabella ang kapaligiran. Hindi niya mapigilang mapangiti nang makita sa malayo ang karagatan. Natatanglawan iyon ng liwanag ng buwan kaya kitang-kita ni Isabella kung paano maghampasan ang mga alon sa karagatan. Malamig din ang simoy ng hangin ng mga sandaling iyon at ang sarap noon sa pakiramdam. "Akala ko ba'y pupunta na tayo sa magiging bahay natin? P-Pero bakit nandito tayo?" naiiling na tanong ni Isabella kay Albert nang tumabi ito sa kaniya. "Dito tayo titira, Isabella. Halika, sundan mo ako." Napakibit-balikat na lang si Isabella at wala nang nagawa kundi sundan si Albert. Habang sinusundan ang lalaki, hindi niya mapigilang igala ang mga mata sa kapaligiran. May