DISMAYADONG lumabas si Travis nang presinto dahil hindi na niya naabutan si Isabella. From Manila to Batangas, bumiyahe pa siya ng ilang oras dahil sumabay pa ang traffic. Tuwang-tuwa na si Travis dahil akala niya'y makikita na niya ng personal ang mahal niya pero hindi pala. Sinabi sa kaniya ng isang pulis sa presinto na umalis na si Isabella kasama ang isang babaeng may katandaan daw. Hindi na nagulat si Travis dahil nakita niya iyong babae kanina sa TV ngunit hindi naman niya nakita ang mukha nito kaya ngayon ay walang ideya si Travis kung sino ito at ano ang kinalaman nito sa mahal niya. Sa ngayon, isang lugar lang ang naisip ni Travis na puwede niyang puntahan at iyon ay walang iba kundi sa Pila, Laguna. Marahil ay bumalik na si Isabella sa pamilya nito. Hindi na nag-isip ng kung ano