"HUWAG ka nang umiyak, Isabella. Sinasayang mo lang ang luha mo sa lalaking iyon. Hindi siya karapat-dapat na iyakan kaya kung ako sa iyo, tatahan na ako." Agad binalingan ni Isabella si Albert na kasalukuyang nakaupo sa tabi niya. "Ayokong marinig ang boses mo, Albert. Hayaan mo na lang akong maging ganito. Umiiyak ako dahil sa nararamdaman ko ngayon. Ang sakit-sakit, Albert. Kung alam mo lang kung gaano kasakit ang nararamdaman nitong puso ko, baka maintindihan mo ak—" "Naintindihan, Isabella. Pero sa tingin ko'y mas maigi kung tumahan ka na lang. Sabi ko nga, huwag mo nang iyakan si Travis. Tingnan mo, mas pinili niya si Samantha kaysa sa iyo. Partida, buntis ka pa sa kaniya. Pero huwag kang mag-alala, hanggat nandito ako, sasamahan kita. Ako ang magiging kamay mo ngayon, Isabella. Hi