"JUST bury the past, Tadeo. Stop overthinking. Patay na si Melissa. Hindi na siya babalik. Kung nasaan man siya ngayon, malamang buto-buto na iyon." "Paano kung hindi? Paano kung nakatakas siya at nagtatago lang?" "My God, Tadeo. It's been over a year. Hindi nakatakas si Melissa, okay? Wala na siya. Kung nakatakas man siya, e 'di alam dapat natin iyon pero hindi. Isa lang ang ibig-sabihin noon, Tadeo. Wala na talaga si Melissa." Sunod-sunod na umiling si Tadeo at tumungga sa baso nitong hawak. "I can't stop myself from thinking. I'm having a nightmare every night. And I saw Melissa there. She's chasing me like... like she's going to have a revenge. I don't know, I-I'm confused. I tried to erase everything in my mind, but I couldn't. Kapag bumalik si Melissa, masisira ako. She will revea