KABANATA 55.2

1166 Words

MASAMA ang tingin ni Isabella sa kaniyang nakakatandang kapatid. Ilang minuto na rin siyang nakatitig dito. Gusto niya itong lapitan at saktan ngunit hindi niya magawa sa kadahilanang nirerespeto niya pa rin ito bilang kaniyang nakakatandang kapatid. "Tanggapin mo na lang ang katotohanan na may karapatan din si Travis kay Irvan. Ama ni Irvan si Travis kaya may karapatan siyang arugain ito at patuluyin sa pamamahay na ito. Pasalamat ka nga't tinanggap ni Travis si Irvan dahil kung hindi, baka walang mangyayari sa kaniya. Baka magaya rin si Irvan sa ating hindi man lang nakatapos ng elementarya." "Hindi ako tanga, Kuya Joel. Sa tingin mo hahayaan kong lumaki si Irvan na katulad natin? Nagkakamali ka. Kaya nga ako naparito sa siyudad para sa kaniya. Handa akong magpursige para sa magandang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD