"NAKAKAAWA siya, Isabella. Pinatay siya sa loob mismo ng bahay nila. Mabuti na lang at hindi pinatay iyong anak niya." Agad napatingin si Isabella sa pinanggagalingan ng boses at nakita niya si Alli na papalapit sa kaniya. Si Alli ay isa sa mga katrabaho niya rito sa De Aguirre's Steakhouse. Sandali pa siyang tumingin dito bago ibinalik ni Isabella ang atensyon sa telebisyon. Kasalukuyan may balita ngayon at gulat na gulat si Isabella nang makita kung sino ang brutal na pinatay sa loob mismo ng bahay ng mga ito. Hindi siya maaaring magkamali dahil si Samantha iyon. Siguradong-sigurado si Isabella roon. Nakita rin niya si Travis sa balita habang karga-kara nito ang batang lalaki na mukhang anak nito kay Samantha. Hindi alam ni Isabella ang magiging reaksyon niya ngayon. Dapat ba siyang m