JIX It's been two months. Hanggang ngayon comatose pa rin siya. Nataranta ako ng marinig ko iyong tunog. Tunog ng pagsalpok. Halos mabaliw kaming tatlo kung ano na nangyari sa kanila ni Nene. May tumawag sa amin. Taga-hospital daw sila. Nakuha lang nila ang number ko sa cellphone ni Miya na hindi gaanong nawasak dahil sa salpukan. Tandang-tanda ko pa ang lahat... "Hi, sir? This is Nurse Abby, may sinugod po rito na dalawang babae na nagngangalang Miya Lazaro and Nenette Apodar ayon sa mga ID's na nakalap ng mga pulisya. Kasama ho sila sa malaking aksidenteng naganap sa congressional road..." "T-teka? A-ayos lang ba sila? Iyong asawa ko? Ayos lang ba siya?" Natataranta na ako nu'n. Lumapit sina Jin and Jim nang makitang natataranta ako at nanginginig habang may kinakausap sa aking

