Daisy "Elena, pakitawag na sa taas si Lance at Dave. Magbi-breakfast na kamo," utos ni Tita Danica sa isa sa mga kasambahay. "Opo, Ma'am." Kasalukuyan na kami ngayong naririto sa hapagkainan. Nagtitimpla si Tita Danica ng kape at gatas. Si Dasia ay nasa tabi ko at nakatulala. Matteo and Dawn are also here. Pero si Meteor at Jr ay bagsak pa rin sa room nila dahil sa dami rin nang nainom nila kagabi. "What's wrong with you, Dasia? Are you okay?" Sa wakas ay napansin na rin ni Tita Danica ang panganay niyang anak. "Hangover lang, Mommy. I have a headache." Muling sinapo ni Dasia ang noo niya at hinilot-hilot. Itinukod niya ang siko niya sa gilid ng mesa. "Bakit naman kasi nagpakarami-rami ka ng inom kagabi? Si Daisy naman ay hindi." Nilingon ako ni Dasia at makahulugang tinitigan. "Tha