ONE YEAR LATER Daisy NAGISING ako sa malakas na palahaw ng isa sa mga anak ko na nasa paligid ko. Kaagad ko silang nilingon sa tabi ko, ngunit nakita ko nang binuhat ng daddy nila ang isa sa kanila na umiiyak. Ang isa naman ay mukhang nagulat din at unti-unti na ring humihikbi sa tabi ko. "Oooh, nagising na ang mga baby. Why are you crying, Lucian?" tanong ko sa isa na buhat ng daddy namin. "Mukhang may pupo. Nangangamoy," sagot naman ni Lance. "Good morning, Mommy." "Good morning, Daddy. Good morning, babies!" Lumapit din sila sa akin sa kabilang bahagi ng kama at humalik sa mga labi ko. Hinalikan ko rin sa pisngi ang anak namin, ganun din si Lucius na nasa tabi ko. Kambal na mga lalaki ang naging first babies namin ni Lance. Nakahabol kaagad kami ng dalawang malulusog na sanggol.
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books