BLAIR VIPER TORO SUMAKAY na ako sa loob ng kotche at nagmaneho na si Chad. Akala ko malapit lang ‘yong presinto pero mahaba-haba pala ang biyahe hanggang sa natanaw ko na ang nagiisang gusali sa gitna ng gubat. Nang tumigil ang kotche sa harapan ng malawak na bakuran, in-unlock na n’ya ang pinto nitong sasakyan at nag madali akong lumabas. Hinabol ako ni Chad at mas nauna s’ya sa entrance kung saan palakad-lakad ang mga armadong mga kalalakihan. Nagusap sila saglit at pinatuloy na nila kami. Sabay kaming pumasok ni Chadler at patungo kami sa isang naka-saradong pinto rito sa ground floor. Lunok laway ako habang pinapanood ko s’yang sinususian ang keyhole ng door knob. Binuksan n’ya iyon. Humakbang kaagad ako papasok sa loob at natigilan ako nang masilayan ko ang presens’ya ng kapatid