BLAIR VIPER TORO Sinakay ako sa patrol truck at dinala sa presinto pero hindi rin ako nag-tagal sa loob ng selda dahil pinatawag ako sa isang silid. Doon ko nasilayan ang nagaalalang mga mukha nina Mang Pablo, Kisha at Chadler. May kasama rin silang mga soldier. Pinalabas muna sina Kisha at Mang Pablo. Pinaupo ako sa isang bangko habang naka-posas pa rin patalikod ang mga pulsuhan ko. Kaharap ko si Chadler at hindi ko kilalang soldier namamahala ng presinto na ‘to. “Can you explain to us what are the reasons behind that violence, Miss Toro?” pormal na tanong ng isang soldier. Mabilis akong tumango. “Kahapon lang ‘to nangyari. May tumawag sa ‘kin na katrabaho ko at pinapapunta raw ako ni Boss Chad sa parte ng gubat… dala ang kabayo n’ya. Hindi ko inisip na may mangyayaring masama ka