BLAIR VIPER TORO KINAUMAGAHAN, nangangatog talaga ang mga tuhod ko habang palapit kami sa malaking helicopter na ngayon pa nga lang ako naka-kita ng gano’n. Parang ayaw ko pa sanang pumasok sa loob ng passenger seat pero kung makikita ni Regis na natatakot ako, aasarin lang ako nito. Kinabit n’ya na ang safety belt at pinasuot sa ‘kin ang headset. Nang nasa ayos na ang lahat, dahan-dahan nang umangat ang helicopter at nilisan namin ang landing area na tinatawag nila. Sa biyahe namin, ang daming pinagtuturo sa ‘kin si Regis na mga ibon at kung ano-anong mga tanawin pero hindi ako mas’yadong nag-f-focus dahil kinakabahan talaga ako. Lumipas ang mahaba-habang mga minuto, nakapaglanding na kami sa malawak na parte ng kalbong bundok. Alam ko ang bahaging ‘to ng gubat pero malayo-layo pa a