BLAIR VIPER TORO PAG-SAPIT ng malamig na umaga, nagising na lang ako nang may marinig akong ingay na umuugong sa mga tainga ko. Dahan-dahan kong dinilat ang aking mga mata pero hindi ko na nasilayan pa si Regis. Tumihaya ako at nahihikab na umupo. Kaagad ko naman s’yang nahagip sa labas. Natatanaw kong nanggagapas ng mga matataas na damo. Base sa sinag ng kalangitan, parang ala syete pa lang yata ng umaga. “R-Regis… ang aga mo namang kumilos diyan…” Hindi ko alam kung rinig n’ya ako pero agad n’ya akong binalingan ng tingin. Hininto ang ginagawa para matanaw din ako rito sa loob ng kubo. Ang aga-aga pero pinagpapawisan na s’ya. Wala ulit na suot na saplot pangitaas. “Good morning, baby… Did you sleep well last night?” “Oo, kahit papaano... masarap naman ang tulog ko…” Bumaba na ako