REGIS DEMORGON C53

1107 Words

BLAIR VIPER TORO “Aba, Blair… ang laki na ang tiyan mo ah… ilang buwan na nga ulit ‘yan?” Napa-hawak ako sa malaking umbok ng aking tiyan nang marinig ang tanong ni Ate Gil. “Walong buwan na po.” “Malapit na pala ang kabuwanan mo, ano?” Isang beses ko s’yang tinanguan. “Oo nga pala, lalake o babae? Nakalimutan kong itanong pa ‘yan kay Tita Brenda mo,” sabi n’ya pa habang natatawa ng mahina. “Lalaki po.” Bahagyang kumurba ang mga labi ko. “Kung g ano’n, may naisip ka ng pangalan sa baby boy mo?” “Brior... po.” Pinantayan n’ya ang tiyan ko at hinimas-himas n’ya rin. “Ninang ako nito ha? Naku, ‘wag mo akong kalimutan at ako pa naman ang naka-hula noon na buntis ka…” Doon na kami natawa dahil ‘tong si Ate Gil nga ang dahilan na natuklasan namin kaagad na nagdadalang tao pala ako.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD