BLAIR VIPER TORO "Hindi mo na dapat itanong ‘yan sa ‘kin at alam mo na ang sagot! S’yempre naman!” Siniglahan n’ya ang kan’yang boses. “Blair, ‘wag kang magisip ng kung ano-anong distraction na nandoon ka. Nangangailangan ka ngayon…” Ngumiti ako ng mapait. Ayaw ko talaga sanang bumalik na roon pero wala na akong ibang maisip na paraan. “At ‘wag kang magalala, hindi na babalik ang dating boss… dahil dapat, dati pa lang, nalaman na namin pero wala… nag-laho na bigla.” Sa araw na ‘yon, inasikaso na agad ni Kisha ang papeles para maka-pasok ako. S’ya na mismo ang sumadya para maihatid ‘yon at kinabukasan, tanggap na agad ako. Sa susunod na linggo, puwede na akong magtrabaho. Sinunod ko rin ang payo sa ‘kin ni Kisha na isawalang bahala ko ang mga negatibong nakaraan ko noon. Nagpaalam