BLAIR VIPER TORO Habang naglalakbay sa maputik na daan, nilalabanan ko ang lamig ng hangin at ang malakas na ulan. Ilang minuto ko nilakad bago ako nakarating sa terminal ng mga tricycle. “’San ba punta mo, Miss?” Kausap ko ang isang driver. “Papunta po sa manor ni... Regis Demorgon.” “Demorgon? Naku, Miss. Hindi kami makapasok diyan… Pero puwede kitang mahatid sa labas ng border… kung ayos lang sa ‘yo.” Base sa biyahe namin kanina ni Chadler, napakahaba pa bago kami naka-labas pero susubukan kong lakarin na lang kung wala talagang makitang sasakyan. “Sige po, sasakay na ako.” Doon na ako pumasok sa loob ng tricycle at nagmaneho na paalis sa terminal. Hinatid ako ng driver sa border na sinasabi n’ya. Nababasa pa rin ako kahit naka-kapote ako. Humiling lang ako ng ulan pero mas