CHAPTER THREE - NO SECRETS

1107 Words
KYLIE POV Nakaharap ako sa full body mirror dito sa room ko. Papasok na ako sa school, nakaayos na lahat na dapat kong ayusin. Nakasuot ako ng long sleeve white blouse at hanggang tuhod na Red skirt. sa right side ng long sleeve white blouse na suot ko, nandun nakalagay ang logo ng Tolentino university. Inaayos ko na rin ang neck tie ko na kulay Red. Nakarinig ako ng pagkatok sa pinto. dali-dali kong binuksan ang pinto. Nakangiting mukha ni ate minda ang nadadnan ko. "Halika na kylie. Handa na ang agahan." Sabi ni ate minda. "Sige po ate minda. Kunin ko lang po ang bag ko. Mauna na po kayo" nakangiting sagot ko sa kanya. Sinara ko muna ang pinto. Tinakbo ko na ang bag ko sa side table ng bed ko. Pagkalabas ko ng Room. Nag-umpisa na akong maglakad pababa sa hagdan ng bahay. Dumaretso na ako sa dining table para kumain ng agahan. Nakatanggap ako ng text galing kay floyd. Papasok siya today since wala silang racket ng daddy niya. Singer kasi si floyd lagi n'yang kasama dad niya para sumali sa mga contest. Nag-umpisa na akong kumain. Hotdog, scramble egg at rice ang kinuha ko. Mag-isa pa rin ako hanggang ngayun. Wala pa rin ang parents ko pero every weekends. Umuuwi sila para makapagbonding kami as a family. Naiintindihan ko kung bakit wala sila dito kasama ko. "Kuya nick alis na po tayo. Tapos na po ako." alam kong nasa kitchen si kuya nick at hinihintay niya lang matapos ako. Lumabas nga galing kitchen si kuya nick "Tapos ka na kylie? Halika na at maihatid na kita sa school mo" nakangiting sabi niya sakin. "By the way kuya nick good morning" late na ang bati ko haha. "Ikaw talaga good morning din." Ilang minutong pagdrive Malapit na kami sa University. Pagkarating naunang lumabas si kuya nick. Pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse. "Salamat po kuya nick" nakangiting pagpapasalamat ko sa kanya. "Walang anuman iha. Hala sige pasok na at baka malate ka. Mga five pm asahan mong nandito na ako ." sabi ni kuya nick. Pinagbuksan ako ng gate ni kuya ben. Pagkapasok ko sa loob ng school nakita kong masayang nag-uusap si Red at Ayessa sa table na para lang sa section namin dito sa hall way. I took a deep breath. Kaya ko to, crush ko lang siya. hindi ako magseselos sa kanila. Nakita ko si floyd na kasama nila ayessa sa table. Kahit na ayokong makita si Red kailangan kong makausap ang bestfriend ko. Malapit sa table namin ang mini elavator kaya iniwan ko sa nakahilerang mga bags ang bag ko tyaka ako lumapit sa kanila. Umupo ako sa katabing upuan ni floyd. Alam kong nakatingin sakin ang dalawa pero hindi ko sila tinapunan ng tingin. "Good Morning kylie." greet sakin ni floyd "Good morning din floyd." nakangiting bati ko sa kanya. Napatingin ako sa harap ko. "Good morning sa inyo." bati ko kila ayessa at Red sabay silang nag Good morning sakin. Tahimik lang ang table at kung kanina nagtatawanan sila Red. Ngayun sobrang tahimik na. Ayaw ko naman silang tignan kaya nagfocus na lang ako sa phone ko. kachat ko mga dati kong kaibigan sa dati kong school kinakamusta nila ako. Marami na ring mga estudyante ang nandito na sa school. Nakarinig kami ng whistle kaya umalis na kami sa table para pumila. Ganito lagi ang routine namin dito. kada umaga pag makakarinig kami ng whistle ni Sir cabrera kailangan nakapila na kami at hintayin ang advicer namin para makaakyat at makapunta na sa bawat classrooms namin. Syempre hindi mawawala yung sermon samin ni sir cabrera. Isa na dun ang bawal tumakbo para walang disgrasyang mangyayare pero pag wala siya pwede kaming tumakbo. Marami ding pasaway na estudyante dito. Pag may late kailangan hintayin si sir cabrera sa guidance office. Pagkatapos makapunta ng mga estudyante sa kani- kanilang mga classrooms. May permit na ibibigay pag late, absent o mali ang suot na uniform. Hindi pwedeng humikab ng walang panyo na pangtakpan sa bibig. Pag nahuli ka niya para s'yang dragon na handa ng bumuga ng apoy at 'yun na nga dali daling lumapit si sir carrera sa St.Peter para sawayin ang isang estudyante na ang pangalan pala eh Ej siembre. "COVER YOUR MOUTH WHEN YOU YAWN" dumadagundong ang boses ni Sir Cabrera dito sa first floor patay na. "I'm Sorry Sir I don't do it anymore" sagot ni Ej habang nauutal. "Remember the Rules in this School alright? Understand?" Ask sir cabrera. Sabay sabay kaming nag 'Yes sir' Tapos na ang second sub namin. Tumayo ako para ayusin ang gamit ko para makapunta na ako sa cafeteria. Nakaramdam ako ng tao sa likuran ko na s'yang kumalabit sakin. Nilingon ko ito, si floyd pala. "Sabay na tayo pumunta ng cafeteria" sabi ni floyd sakin. "Oh sige tapusin ko lang to" inilagay ko na sa bag yung notebook at ballpen ko. “Sige hintayin na lang kita sa labas" Naramdaman kong wala na siya. matapos kong tapusin ang pag-aayos ng gamit ko lumabas na ako ng classroom. Nakita kong nakadungaw sa bintana ng St.Peter si floyd "Sino tinitignan mo d'yan?" Bahagya pang nagulat si floyd sa sinabi ko kaya napalingon siya sakin. "Ano ba yan kylie nakakagulat ka naman ah. si ano kasi.. si ano." sabi niya. "Sino si ano? Ikaw ayusin mo nga pagsasalita mo. Sino yung tinitignan mo d'yan sa st.peter?" Nakita kong namumula pisngi niya. ang loko nagba blush. "Ah si julia siya yung tinitignan ko." sagot ni floyd." "Sinong julia at teka bakit siya ang tinitignan mo aber?" Nakakunot noong tanong ko sa kanya. "Don't tell me crush mo siya" sabay kurot ko sa bewang niya. Napaaray naman siya. "Oo, crush ko siya kaya wag ng maraming tanong at nagugutom na ako." Hinila na ako palayo ni Floyd. Nagsimula na kaming bumaba para pumunta sa cafeteria ng school habang nag-uusap. "Nga pala narinig ko si Gian at Red sa cr kanina. Nasabi ni Red kay Gian na gusto mo raw siya? Totoo ba 'yun?" Tanong niya sakin. na tigilan naman ako, di ko alam kung ano ang isasagot ko. "Oo, crush ko nga siya." Napayuko naman ako pagkatapos kong sagutin tanong niya. "Kailan pa? Ikaw ha hindi ka nagsasabi sakin. Nakakatampo ka" Napapailing na may pagkadisappoint sa boses niya habang sinasabi sakin 'yun. "Eto naman sorry na, kami lang kasi ng mga girls ang nakakaalam eh. Sorry na floyd." inakbayan ko siya. "Fine! Sa susunod sakin mo dapat unang sabihin okay? Walang lihiman" nakangiting tinanungan ko siya "Yes sir!" Sabay kaming napatawa. "Sandali kylie" napakingon ako sa tumawag sakin di ko akalain na si..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD