Chapter Fifty-eight

2015 Words

Ang malakas na pagpalahaw ko ang naging hudyat nang pag-iyak ng pamilya namin. Pinilit kong tumayo kahit sobrang hirap, tinulungan na lang din ako ni Timothy para lang mayakap ko ang maliit na kabaong kung saan nakahimlay ang isang taong gulang na anak. Naririnig ko ang pag-iyak tanda nang pagluluksa nila. Pero iyong sakit na nararamdaman nila, walang-wala iyon sa sakit na nararamdaman ko. Wala na ang aking anak, parang kalahati ng buhay ko ay wala na rin. "Anak, bangon na d'yan. Maglu-lunch pa t-ayo kasama si Daddy. Favorite mo iyong mashed potatoes, right? Dali na, Reddy. Kakainin natin ang pinakamasarap na mashed potatoes sa buong mundo. Anak, kailangan nang yakap ni Mommy. Tayo na d'yan." "Babe!" alo ni Timothy sa akin. Yakap-yakap ako nito, habang yakap ko ang kabaong ng anak ko

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD