"Babe, anong gusto mong ulam? May mga stocks dito, pwede akong magluto para sa ating dalawa." Nakahiga lang ako sa couch. Walang ganang magkikilos dahil sa sobrang pagod ko. Hindi natapos sa isang pwesto at posisyon ang pagniniing naming dalawa. Hindi nakontento sa isa't isa. Kaya naman ngayon, nanlalata ako sa matinding pagod. Nananakit nga rin ang p********e ko, nananakit pero iyong sakit na parang dama pa rin iyong sarap. Nakalimot kami ng asawa ko, na enjoy namin ang mga sandaling magkasama kami nito. Feeling ko nga ay nagambala rin namin iyong kapitbahay namin, dahil simula kaninang umaga ay panay na ang pagdadabog nito. Tapos dinig ko rin ang pagrereklamo nito, nangingibabaw iyong word na 'ang ingay, grabe' na litanya nito. Mukhang hindi maayos ang tulog, kasalanan ata talaga namin.