Mahigpit akong yakap ni Timothy habang nakahiga kami sa kama ko. Para kaming hindi marunong makontento, pagpasok pa lang sa apartment ko ay hindi na kinailangan pang mag-usap. Agad naming sinunggaban ang isa't isa. Kaya humantong kami sa mainit na tagpo sa sala, hindi pa nakontento, inangkin din ako nito sa kusina, banyo at dito sa kwarto ang panghuli. Pagod na pagod ang katawan ko. Pero satisfied naman. "Cellphone mo yata iyong nagri-ring." Pukaw ko sa atensyon nito. "Tinatamad akong sagutin." "Ako na ang kukuha." Tinapik ko ang kamay nito, kinalas naman nito ang pagkakayakap sa akin. T-shirt nito ang suot ko nang lumabas na ako at kinuha sa pantalon nito ang cellphone. "Meridette?" basa ko sa pangalan ng kapatid ko na s'yang caller. Dali-daling bumalik ako sa kwarto. Nakaupo n