Chapter 22 Jhoace's P.O.V. Ilang beses kong hinilot ang sintido ko, habang nakaharap sa laptop ko. Pasado alas-dos ng madaling araw dito sa New york ngunit hindi pa rin ako natutulog. Dinala ko kasi ang trabaho ko sa bahay upang bukas ng umaga ay maibigay ko na sa boss ko. Sa bansang ito isang simpleng mamayan lang ako. Hindi ako si Jhoace na anak ng mayamang angkan sa pilipinas. Kilala ako dito sa pangalang Joy, sinadya kong baguhin ang pangalan ko at mag cross country upang hindi ako matunton ni Clarence Miguel, alam ko naman kasing sa Amerika susundan niya ako. Hinigop ko ang kapeng nasa gilid ng table ko pagkatapos muli kong tinutukan ang ginagawa ko. Ilang saglit pa narinig kong umiyak ang anak kong si Raven. Tumayo ako upang puntahan. Yumuko ako upang bigyan siya ng gatas, marah