Chapter 6

1697 Words
Chapter 6 "Hi Elle.." Napa-angat ang tingin ni Elizabeth mula sa screen ng kanyang computer patungo sa lalakeng nakangiti sakanyang harapan "Secretary Migs?" Tanong niya dahil parang iyon ang naaalala niyang pangalan nito noong unang araw niyang pumunta sa opisina ni Cody Ito rin ang nagpapasok sakanya sa loob ng opisina ng amo nito. Naalala niya pa nga ang pamumula ng mga pisngi nito ng unang beses siya nitong nakita. Para itong namaligno at sunod-sunuran lamang sa kanyang mga utos Flashback "Good morning. Can i speak to Mr.Cody Hoffman? Nariyan ba siya?" Napatingin ang lalakeng nakasalamin sa kanyang ng magsalita siya. "O-Oh w-what can i do for you?" Halos mabulol nitong tanong sakanya pagkatapos nitong matulala ng saglit sa kanyang kagandahan. Tila ba nakakita ito ng anghel na bumaba sa lupa dahil sa pagkahanga nito sakanya Hindi na nagulat pa si Elle dahil sa reaksiyon ng binata. Halos karamihan kasi sa mga lalake ay ganito ang nagiging reaksiyon sakanya sa unang beses siyang makita ng mga ito "I want to talk to Mr.Cody. Nandiyan ba siya ngayon?" Nakangiting tanong niya "W-Whats y-your name?" "Elle Villaflorez" Maiksing pakilala niya Tumayo agad ito at nauntog pa ang tuhod nito sa lamesa sa sobrang pagkataranta nito. Hinilot hilot nito iyon ngunit madali rin itong tumayo ng tuwid. Lalo pang namula ang mga pisngi nito "T-This way miss Elle.." Napangiti siya ng malapad dahil hindi na siya tinanong nito kung anong pakay niya kay Cody. Para itong robot na nagmamadaling buksan ang opisina ng amo nito "Thank you mister--Uhmm" Hinarap niya ang company ID nitong nakasabit sa leeg nito bago niya itinuloy ang pagpapasalamat sa lalake dahil binasa muna niya ang pangalan nito na nakasulat sa identification card nito "Thank you mister Migs. Ang iksi naman ng name mo." Napapangiti niyang pasasalamat rito. Para itong nahipnotismo at napahawak pa ito sa dibdib nito. Para itong na-love at first sight sakanya Hindi na ito makapagsalita kaya nilagpasan na niya ito at naupo siya sa isang sofa roon. Maganda ang opisina ni Cody. Wala naman mababakas na kabaklaan sa loob ng opisina nito. Very clean and professional tignan ang buong kwarto. Halos panay babasagin ang mga gamit doon Katulad ng kanyang inaasahan ay nagsusumigaw ang karangyaan sa buong building na iyon lalo na sa loob ng pribadong opisina ni Cody. Hmm impressive. Mas maganda pa ito sa opisina ng family namin.. -- Puna ni Elle ng maalala ang opisina ng kanyang daddy na pinapamahalaan ngayon ng kuya Taylor niya Amoy pabango rin ng lalake ang loob ng kwartong iyon. Hindi masakit sa ilong at para bang kay sarap amoyin. Nakakarelax ang ambiance ng opisina nito Napatingin siya sa secretary ni Cody. May itsura ito at matangkad ngunit para itong naengkanto habang nakatulala parin sakanya "Okay ka lang?" Di mapigilang tanong niya Nanlaki ang mata nito bago yumuko at bigla nalang nitong sinarado ang pinto ng opisina ni Cody. Naiwan tuloy siya sa loob ng kwartong iyon. Napakamot nalang siya sa kanyang pisngi dahil nakaramdam siya ng kaunting nerbiyos. Paano kung magalit si Cody sakanya dahil siya lamang ang tao doon? End of Flashback.. "Mabuti naman at naaalala mo pa ang pangalan ko Miss.Elle. Hmm here for you.." Napansin niyang kinakabahan ito ngunit mas maayos na itong kausap sa araw na iyon kaysa noong unang beses niya itong nakita. Dalawang linggo na siyang nagtatrabaho sa kumpanya ni Cody ay ngayon lamang niya ito muling nakita. Nasuspende yata ito ng dalawang linggo dahil sa ginawa nitong pagpapapasok sakanya sa loob ng pribadong opisina ni Cody. Ang baklitang iyon talaga! Ngumiti si Elle kay Migs nang iabot nito sakanya ang isang box na naglalaman ng pagkain sa paborito niyang fast food restaurant "Wow may pa-jobee! Thank you. Pero anong okasyon? Birthday mo ba?" Sunod sunod na tanong niya bago niya tinangap ang pagkain na ibinigay nito Mukhang marami iyon. Saktong sakto at mag-lunch time na. Nagsasawa na rin siya sa mga pagkain sa cafeteria. Ngumiti ito at tila nawala ang kaba dahil nagustuhan niya ang pagkain na ibinigay nito "W-Wala naman. Gusto ko lang makipagkaibigan sayo" Napalunok pa ito ng mawala ng unti unti ang kanyang ngiti "Baka naman gusto mo akong ligawan?" biro niya bago siya muling ngumiti. Mukhang mabait naman ito at kahit nakalabas ang cleavage niya sa mga oras na iyon ay hindi parin niya nahuhuling tumitingin ito sa mga iyon. Tanging sa mata niya lang ito nakatingin at halatang iniiwasan mapadako ang tingin sa kanyang dibdib Hindi katulad ng baklita niyang amo! Kung makatingin sa dibdib niya ay para bang nais ng sungaban. Kaya nga minsan ay naiisip niya naapektuhan na siguro ito ng paglalandi niya at unti unti ng nagiging tunay na lalake? "M-Makikipag kaibigan lang ako sayo." Napahawak pa ito sa sariling batok na para bang nahihiyang ngumiti "Oh. You're so cute. Walang problema. Sakto yan dahil walang nakikipagkaibigan sakin dito. Ang susungit ng empleyado dito grabe tapos yung mga lalake naman iba ang motibo" Napalunok ito at hindi na makatingin ng deretso sakanya "G-Ganon ba? Mukhang mabait ka naman eh" "Oo no. Mabait naman talaga ako at simula ngayon magkaibigan na tayo--" "What's going on here?" ani Cody sa kanilang likuran. Kanina pa ito nakikinig sa kanilang pinag-uusapan ngunit hindi na ito nakatiis na sumabat Sabay silang napalingon kay Cody. Nakasimangot ito habang nakataas ang kilay. "Oras ng trabaho nagliligawan kayo?" Sarkastimo nitong tanong sakanila "Boss hindi po--" Sasagot sana si Migs ngunit napatigil ito sa pagsasalita ng tignan ni Cody ng masama "Boss lunch time na for your information" Sabat ni Elle ng mapatingin siya sa kanyang wrist watch at nakaisip agad ng palusot sa kaniyang amo ng makitang pasado alas-dose na Tila natigilan ito saglit at tumingin rin sa orasan nito "I-I don't care. B-Basta! Walang magliligawan sa opisina ko kahit ano pang oras. Is that clear? Napaka-landi mo" sambit nito sakanilang dalawa bago ito pakendeng kendeng na lumakad palayo halatang galit ito dahil binigyan pa siya nito ng nakakamatay na tingin bago ito lumakad palayo Napanganga nalang si Elle sa inakto ni Cody. Naiingit ba ito dahil may nanliligaw sakanya? Baka naman may gusto ito kay Migs? "P-Pasensya kana Elle. Hindi ko akalain na magagalit si boss. Dati naman hindi yan ganyan eh" "Hayaan mo siya. Siraulo yang amo natin na yan eh." Ngumiti ito. "Gusto mo bang mag lunch tayo?" Si Elle na mismo ang nagtanong kay Migs dahil parang mahiyain ito "K-Kung ayos lang sayo" "Oo naman!" Tumayo na siya pagkatapos niya i-save ang mga inen-code niyang files. Si Migs naman ang nagbitbit ng pagkain na ibinigay nito sakanya at sabay silang pumunta sa cafeteria Napapatingin ang mga empleyado sakanilang dalawa ni Migs at nagbubulungan ang mga ito. Naghihinala na ang mga ito na may relasyon silang dalawa ni Migs Pa-upo palang siya sa cafeteria ng biglang tumunog ang kanyang cellphone "Hello--" Sagot niya "Parking! Right now!" Napakurap-kurap si Elle ng marinig ang galit na boses ni Cody. Nataranta tuloy siya dahil lalakeng lalake nanaman ang boses nito na nakakapanghina ng kanyang mga tuhod "P-Po?" "Pumunta kana dito sa parking ngayon na" Napanganga nalang siya dahil sa walang galang nitong pag-uutos. Hindi ba nito naisip na lunch time pa?? Sasagot sana siya na kakain muna siya ngunit dial tone nalang ang kanyang narinig. "Abat binabaan pa ako ng baklitang to!" Inis niyang sambit Naaamoy pa naman niya ang mabangong pag-kain na inilagay na ni Migs sa lamesa "Bakit Miss Elle?" Nagtatakang tanong ni Migs sakanya "Saglit lang Migs ha? Kailangan daw ako ni Boss Cody eh. Nakakabwisit nagugutom pa naman ako." Wala na itong nagawa ng maglakad siya palabas ng cafeteria Maraming mga mata ang nakatingin sakanya. Samantalang napabuntong hininga nalang si Migs at wala itong nagawa kundi panuorin ang paglayo niya Pagdating ni Elle sa parking lot ay nakita niya agad ang pink na kotse ni Cody. Naka-ilaw iyon at ibig sabihin ay naroon ito sa loob ng kotse nito Nakasimangot siyang lumapit sa kotse nito Kinatok niya ang bintana ng kotse ni Cody ngunit automatikong bumukas ang pinto ng kotse nito pataas Seryosong mukha nito ang nakita niya habang naka-upo ito sa driver seat. "Sakay" "Boss bakit niyo ba ako pinapunta dito? Lunch time palang eh hindi pa ako kumakain--" "Sakay sabi eh!" Napalunok siya. Baritonong boses nito ang nagpapataranta sakanya kaya napasakay tuloy siya sa loob ng pink car nito. Pati nga ang mga upuan sa loob ng kotse nito at kulay pink rin Nakakatakot itong magalit. May nagawa ba siyang mali? Baka may mali siyang na-encode kaya galit na galit ito? Tahimik parin ito habang seryosong nagmamaneho. Hindi na siya nagtanong kung saan siya nito nais dalhin Ngunit napanganga nalang siya ng ipasok nito sa isang fast food restaurant drive-thru ang kotse nito Lalong nanlaki ang kanyang mata ng mag-order ito ng napakarami. Tahimik lang siya sa tabi nito dahil tila ayaw naman siya nitong kausapin. Nang makuha na nito ang order nito ay ini-abot nito iyon sakanya. Saglit nagkatinginan ang kanilang mga mata. Ngunit sumimangot rin ito at nag-iwas ng tingin. "Eat." Utos nito sakanya pagkatapos nitong bayaran ang mga pag-kain at ipark ang kotse nito malapit sa fastfood area na iyon. Halos pang sampung tao ang inorder nito! Nagtataka siya kaya hindi niya mapigilan magtanong. Nagselos ba ito kay Migs??? "N-Nagselos ka ba boss?" "What! No way! N-Naingit lang ako sa kakainin niyo. Ayoko naman kumain mag-isa dito no!" Maarteng sagot nito at hindi naman ito makatingin ng deretso sakanya Napangiti siya dahil naunawaan na niya kung bakit ito nagagalit. Naiingit lang pala ito sa pagkain nila! "Stop smilling" Kunot nuong sabi nito bago nito ibigay sakanya ang isang box ng two pcs chicken at disposable spoon and fork Napatigil nga siya sa pag ngiti dahil kakaibang t***k ng kanyang puso ang nararamdaman niya ngayon. Bakit parang pinakakain siya nito na para bang nobyo niya ito? "S-Salamat sa libre boss." Iyon lang ang nasabi niya at tahimik na silang sabay kumain Hindi niya maiwasan mapasulyap kay Cody. Madalas kasi ay parang lalakeng lalake ito kumilos ngunit pag nakikita nito ang pagsulyap niya ay tila naaalala nitong bakla ito Napabuntong hininga nalang si Elle. Bakit parang imbis na ito ang akitin niya ay siya ang naaakit ng baklitang ito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD