Chapter 17 3rd Person's POV "Ayoko, aalis na lang ako. Kung magpapakasal ako gusto ko sa taong mahal din ako. Nangako ako kay mommy! Aalis ako!" ani ni Coquelicot. Tumalikod si Coquelicot at mabilis na lumapit sa pinto ngunit bago niya mabuksan iyon may tao sa likod niya ang tinungkod ang isang kamay para magsara muli ang pinto. "Blood— baka nakakalimutan mo kung sino ako at na kanino kang teritoryo. Gusto mo ba na katawan mo naman ang sunod na hilahin nina Seamus palabas ng mansion?" tanong ni Citroen habang nasa likod ng mga tenga ni Coquelicot ang mga labi. "Alam mo kung anong kaya kong gawin. Hindi kita tinatanong kung nais mo ako pakasalan. Inuutusan kita," ani ni Citroen na may malamig na boses. Napalunok si Coquelicot at alanganin na humarap. "Hehe, sino ba may sabi na hindi