Chapter 45 3rd Person's POV Natutuwa na dumapa si Coquelicot ng sofa. Sumampa din si Troen sa sofa at dumapa. "Madam!" Napatigil si Coquelicot at agad na napatayo. Nakita niya iyong iba pa niyang bodyguard. Natutuwa ang mga ito lumapit kay Coquelicot at sinabing akala nila hindi na babalik si Coquelicot. "Hindi iyon mangyayari! Sabi ko hindi ba babalik ako," ani ni Coquelicot. Pagtapak ni Citroen sa mansion nag-iba muli ang sa paningin niya ang mansion. Noong una akala niya imagination niya lang iyong something na warm na nararamdaman niya at iyong liwanag ng mansion ngunit noong isang linggo nga nawala si Coquelicot— nawalan ng buhay ang mansion na iyon. Noong mga time na iyon ayaw na din ni Citroen umuwi. "Naman! Strong yata ako. Takot lang ng mga kuya ko na hindi ako pabaliki