Lander POV May mga nakahanda at naghihintay sa amin na ambulansya sa lugar kung saan tumigil at dumaong ang speedboat na sinakyan namin. "Bro," magkasabay na bungad na bati sa akin ng mga kaibigan ko na sina Miguel at Jeric. "Bakit narito kayo?" nagtataka na tanong ko dahil hindi ko naman sila tinawagan habang papunta kami. Naka-monitor kami sa sitwasyon ng operasyon ng mga pulis. Personal na nag-report kay Ace ang pulis na pinadala ng Daddy niya kaya nalaman namin ang lokasyon n'yo. Nanghihina man ay tumango ako habang karga ang ngayon ay natutulog na si Shane sa balikat ko. "Nasaan ang isa sa mga anak mo?" nagtataka na tanong ni Miguel na inikot ang paningin at sinuyod ang paligid. Nanlulumo na tumingin ako sa dagat habang pinipigilan na pumatak ang luhang nagbabadya at nakadung