Julia POV. Mabilis akong nakarating sa pinaka sulok na bahagi ng vip area ng bar kung saan ay tanging ang mga kaibigan ni Ace at kapamilya nila ang gumagamit tuwing narito sila. Gusto kasi ng mga ito na may pribadong lugar na tanging sila lamang ang dapat na gumamit kay ito ang lugar na pinili nilang gamitin ng mga kaibigan ni Ace at personal na bisita. Malayo pa lang ay nakikita ko na ang ilang familiar na mukha ng mga kaibigan ni Ace. Ilang ulit ko na kasi silang nakita dito at nakilala na rin matapos akong ipakilala ni Ace sa Ilan sa mga ito. Malimit ay hindi ako nakaligtas sa mga panunukso ng mga kaibigan ni Ace lalo pa alam ng mga ito na minsan ko ng binasted ang dating playboy daw na kaibigan. Minsan iniisip ko kung tama ba ang mga kwentong naririnig ko tungkol kay Ace dahil mal