Kabanata 2

1035 Words
Dahan dahang iminulat ni alexa ang kanyang mga mata nang maramdaman ang sinag ng araw na sumagi sa kanyang mukha. Patuloy parin niyang naramdaman ang pangangalay ng kanyang katawan dulot ng kanyang pinaggagawa kagabi. Ni halos maangkin na niya ang buong dance floor sa sobrang likot at lutang. Akmang tatayo na sana siya sa kanyang kama upang pumuntang kusina upang magluto nang maramdaman ang sakit sa kaniyang ulo na dulot ng ilang boteng alak na kanyang nainom. Agad siyang napalingon sa kanyang telepono nang mag-ring ito. Napakunot si alexa sa kanyang noo nang makita ang isang hindi kilalang numero na nag-appear sa screen. "I don't talk to strangers'' mahinang wika nito sa kanyang sarili. Isa lang naman ang nasa isip ni alexa, ang ex-boyfriend nitong si Richard. Akmang tatayo na sana ito nang mag-ring ulit ang phone niya na siyang dahilan ng pagdilim ng kanyang mukha. "Ano ba ha? Kung sino ka mang kumag ka, stop calling me! I guess you're in a wrong number!'' sigaw nito sa kausap. Naghintay ang dalaga ng ilang segundo pero wala parin itong response. "Hindi mo ba ako naalala?'' akmang puputulin na sana niya ang tawag nang marinig ang mahina nitong boses sa kabilang linya. Napatingala ito at pinilit na maalala kung sino ang lalaking nasa kabilang linya. "wala naman akong maalalang tao na binigyan ko ng numero ko?" mahinang bulong nito sa sarili. "You looked so beautiful" mahinang tugon ng lalaki sa kabilang linya. Agad na nanlaki ang mga mata ni Alexa nang marinig ang katatagang iyon. Ang lalaking kausap niya ngayon ay ang lalaking nakasayaw niya kagabi sa club. "Where did you get my number?" naguguluhang wika ni alexa. "'Di ba pwedeng napulot ko lang sa daan?" ngiting wika ng binata kay Alexa. "Hoy! Kung wala ka namang importantimeng sadya---" hindi nakapagpatuloy ang dalaga nang sumabat ang binatang nasa kabilang linya ng telepono. "We did something last night." Anito na halatang umaaligid sa boses nito ang ngiti. "A-ano ang ibig mong sabihin?" hindi alam ni alexa kung ano ang ibig sabihin ng lalaking nasa kabilang linya. Ang tanging nasa alaala lang ng dalaga ay ang sayaw niya kasama ang binatang kausap niya sa kabilang linya at ang pabango nito na siyang tumatak sa kanyang utak . "Alalahanin mo nang mabuti'' wika ng binata. Napatakip sa bibig si Alexa nang sumagi sa utak nito ang sara ng pinto na siyang tanging nasa alaala niya. Isa lang naman ang ibig nitong sabihin. May ginawa nga silang kalaswaan kagabi. "hayop ka! Anong ginawa mo sa'kin kagabi ha? Hindi talaga ako magdadalawang isip na kasuhan ka ng rape at Sexual Abuse to Women." Banta nito sa binata. Hindi niya maiwasang isipin na nakipagtalik siya sa isang lalaking hindi man lang niya kilala. "Edi gawin mo. May alas ako sa'yo alam mo ba 'yon?" tugon ng binata sa kabilang linya. Napakunot noo ang dalaga nang marinig ang sinasabi ng binata. Hindi niya alam kung ano ang ibig sabihin nito at lalong wala siyang plano na alamin ito. "Ano ang ibig mong sabihin?" tanong ng dalaga sa binata. "Well, anyway, I don't have interest to know it deeper. Kaya bye." Wika ng dalaga at saka niya pinatay ang tawag. Tuluyan nang umawat si alexa sa kama niya't nagtungo sa banyo upang maligo, pero bago paman ito makapunta sa banyo ay nag-order muna ito ng makakain. Ilang munuto pa ang nakalipas bago siya makatapos sa pagligo. Maya maya ay tumunog na ang door bell kaya hindi na siya makapaghintay pa ng sandali na makuha ang inorder niyang fried egg, minudo at adobong manok. "Room 6. Ito na po ang order niyo." wika pa ng delivery boy. Tinanggap niya ang pagkain nang walang pag-aalinlangan. Kumukulog na ang tiyan nito sa gutom, kagabi pa siya huling kumain kaya hindi na siya makakapaghintay pa ng sandali na sumubo nito. "Eh? Ma'am? Iyong bayad po?" napangiti na lang si alexa nang malaman na hindi pa pala bayad ang pagkaing kanyang hawak hawak ngayon. "Wait, kukunin ko muna ang wallet ko." Wika pa niya at saka dinala ang pagkain sa loob at inilagay ito sa mesa. Agad itong nagtungo sa kuwarto upang kumuha ng pera. "Nasaan na ba iyon?" Wika pa niya habang hinaluglog ang buong bag nito pero wala siyang makitang wallet sa mismong bag. Bigla siyang napahinto nang maalala ang sinabi ng lalaki sa kanya ilang minuto pa lang ang nakakalipas. Halos puputok na ang galit ni Alexa habang iniisip ang wallet niya na kung hindi siya nagkakamali ay hawak ito ng lalaking nakasama't nakasayaw niya kagabi. Walang pagdadalawang isip niya itong tinawagan. Salamat sa diyos at sumagot naman ito agad. "Ano? Miss me agad?" Ngiting tugon ng lalaki sa kabilang linya. "Ano ba ang gusto mo ha? Nasa'yo ba ang wallet ko? Gago ka talaga eh,  no? Nagawa mo pa ngang nakawin ang Phone Number ko tapos pati ba naman ang wallet ko? " Galit na wika ni alexa sa binatang nasa kabilang linya ng telepono. Wala siyang ibang naramdaman kung hindi ang usok sa kanyang tenga at sa kanyang buong sistema. "Relax, ang hot mo naman." Wika ng lalaki sa kabilang linya. Masaya itong nakikitang naiinis si alexa at nararamdaman iyon ng dalaga dahil sa panunukso nito. "Hoy! Ang kapal rin ng mukha moy ano? Ang dami mo ng kasalanan sa'kin! Una Sexual Abuse, ngayon naman magnanakaw? And? Don't act like we knew each other already, we're stranger, tandaan mo 'yan and we'll never be a friend anymore." Sigaw nito sa kabilang linya. "Lets meet at exactly six o'clock in the evening today sa park malapit sa condo mo. I'll give it back to you." Wika ng binata at saka binaba ang tawag. Sa sobrang galit ay hindi maiwasang mapagigil si Alexa na parang handa na itong pumatay ng tao. They didn't even know each other, pero bakit parang ganon nalang ang inaasta ng binata para kay alexa? Ni hindi nga niya ito namukhaan dahil sa lasing ito noong nagkita sila sa club. Walang ganang bumalik si alexa sa tapat ng pinto upang ibigay ang Valid I.D. nito sa delivery boy upang masigurong babayaran niya ang pagkain pagkatapos na maibalik ang wallet sa kanya mula sa mga kamay ng lalaking iyon. Pagkatapos niyang maibigay ang I.D. ay agad na itong umupo sa upuan at nilapag ang apat na kalaseng pagkain sa mesa nito't hindi na nakapaghintay pa ng sandali at nagmamadali na itong kumain.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD