Pagbalik nila Liam, Chris at Drew sa resort ay nadatnang abalang-abala ang tatlong babae sa pagkain, marahil ay hindi na sila nahintay ng mga ito at nagpasyang kumain na. Nang mapansing naroroon na sila ay parang natuklaw ng ahas ang tatlo. Si Lindsey ang unang nakakita sa kanila dahil ito ang nakaharap sa bungad habang sina Gail at Dinky ay nakatalikod naman sa kanila. Tila ito magnanakaw na nahuli sa ginagawa kaya agad na napahinto. "Aray ko, girl," palatak ni Dinky nang maramdaman ang bahagyang pagsipa ni Lindsey paa niya. Gutom na gutom na talaga sila kaya napagpasyahan na nilang magsimulang kumain. Nakita nilang ngumuso si Lindsey sa kanilang direksiyong magkaibigan kaya gumuso rin sila Gail at Dinky. Muling ipinagpatuloy ang dalawa ang pagkain, nasa kasarapan pa naman sila ng pag