Chapter 8 ALEXANDRIA brought Santi to the Hospital. Asikaso naman kaagad sila ng mga staffs doon. Doon kasi ang gusto nito na pagdalhan niya rito. Iyon pala ay pag-aari rin ng pamilya nito ang ospital na iyon, sa mother’s side naman. Ano pa bang hindi pag-aari ni Santi? Naisip niyang itanong sa sarili kanina habang nakasakay sila sa sasakyan papunta roon . Kung sa bagay, Real Estate ang negosyo ng pamilya nito kaya syempre naman marami itong pag-aari. “Sir, you need an IV.” narinig niya na sabi ng nurse habang nakahiga na si Santi sa stretcher. Dala ng nurse ang isang maliit na tray na may butterfly needle, mga gamit pang-ospital at ang hose ng swero. “No way.” protesta nito at nagsalubong pa ang mga kilay. Gulat siya nang marinig ang pagtutol nito. Takot ang magaling sa iniksyon, s