Chapter 37 Tahimik na nakaupo si Alex sa harap ng kanyang duktor na si Dra. Mendez habang pinakikinggan ang mga sinasabi nito sa kanya. Ngumiti ang babae sa kanya at binusiklat ang kanyang pelvic result. Matapos na ipaliwanag iyon at sabihin na normal naman siya ay saka siya pinahiga ng duktor sa higaan. “Transvaginal ultrasound na tayo, Alex. Hindi ko isinabay noong una para isa-isa natin na malaman ang resulta ng bawat test mo. We'll focus on a single possible problem, okay?” ngumiti ang babae sa kanya kaya tumango siya. “I see something with the sudden drop of your blood pressure but let's just leave it there.” Bigla siyang kinabahan. Baka nga may sakit na siya kaya ang baba ng kanyang BP. Baka nga hindi na siya magbubuntis kung sakali. Suskopo. Wag naman sana. She relaxed herself