Chapter 22.2 SPG Napamulagat si Alex sa sunud-sunod na tunog ng smartphone niya. Ay ano ba? Ba’t nanggigising ka? Sumulyap siya sa wall clock, at alas dose ng hating gabi at binubulahaw siya ng kung sinong ponsyo pilato na iyon. Antok na antok siya dahil katatapos lang ng exam niya buong maghapon, tapos may iistorbo sa pagtulog niya? Nasaan ang hustisya? Tinatamad na kinapa niya ang aparato at lumipad ang antok niya nang makita ang pangalan ng boyfriend na nakapaskil sa screen notification niya. Please wake up. I need to see you,tonight. I won't leave, not until you wakes up. Susmi! Kakamot-kamot siya sa ulo. Si Santi na naman. Inabot ng kabaliwan. Buti na lang Sabado kinabukasan, kaya pwede naman siyang mapuyat. Saka buti na rin na may bantay siya. Wala kasi ang Mama niya, sumama sa