PROLOGUE:
"Dylan, kaya ko naman eh. Hayaan mo na muna si Alliyah."
"No! She's the one I need!"
Parang sinaksak ng isang matalim na sibat ang puso ko sa isinigaw niya sa akin. Ilang sandali akong hindi nakaimik at napalunok dahil bumukol ang isang matigas na bato sa aking lalamunan.
"Give me my phone," mahina niyang ani at wala akong nagawa kundi ang kunin ito at ibigay sa kanya.
Mabilis niyang tinawagan si Alliyah na ngayon ay alam kong nasa kanilang probinsya at kasalukuyang nagluluksa para sa pagkamatay ng kanyang ina kama-kailan lang.
Si Alliyah ay ang babaeng iniibig ni Dylan simula noong ito ay mag-apply bilang saleslady sa Department Store kung saan isa siyang Stock Manager. He helped Alliyah to get her job immediately.
Since our mothers are close friends, Dylan and I have been best friends since childhood. Dati kaming nakatira sa America ngunit noong kunin sila ng kanyang ama na si tito David upang dalhin dito sa Pilipinas ay sumama din ako. Iniwan ko ang marangya kong pamumuhay sa America kapiling ng aking pamilya para lang sa kanya.
Ayokong mawalay sa kanya dahil alam kong wala siyang ibang kaibigan kundi ako lang. Naging mistress ang mommy niya kaya sa makatuwid, isa siyang anak sa labas.
Malaking pagkakamali ang nagawa ni tito David na pagsamahin ang dalawa niyang pamilya sa loob ng iisang bubong. Hindi nagkasundo ang parehong babae maging ang kanilang mga anak at ito ang naging dahilan nang pagkasawi ng parehong ina ni Dylan ni Dominic.
Kaya naman wala na siyang ibang karamay kundi ako lang.
Kung saang condo siya tumira ay doon din ako kumuha ng sarili kong unit upang maasikaso ko siya. Kung saan niya napili na magtrabaho ay naroroon din ako. I applied as a saleslady so that I could see him every day as well.
Ang si tito David sa magkakapatid na Delavega ang isa sa mga nagmamay-ari ng mga sikat at kilalang Mall dito sa bansa ngunit sa halip na mataas na posisyon ang piliin ni Dylan ay mas ginusto niya ang maging Stock Manager lamang ng mga sapatos upang matahimik ang buhay niya at hindi siya pag-initan ng kapatid niya sa ama na si Dominic.
"H-hi, A-Alliyah.."
I stared at him when I saw that he was talking to Alliyah on the phone. Nandoon ang kinang sa kanyang mga mata sa tuwing si Alliyah ang kausap niya.
"C-Can you come h-here?"
Nakikita ko na ang hirap sa kanya. Sobrang laki na nang ibinagsak ng kanyang katawan. Sobrang putla ng kanyang kulay.
Hindi pa namin matukoy ang tunay niyang sakit dahil ayaw niyang magpadala sa hospital. He is waiting for Alliyah and she is the one he wants to take him to the hospital.
"C-Condo.......Y-Yeah, I'll wait for you here......T-Take care."
Lihim na lamang akong napakagat-labi at huminga ng malalim upang maibsan ang pamimigat ng aking dibdib.
Hahayaan ko na lamang dahil para naman iyon sa kanya. Kung si Alliyah ang magiging dahilan upang gumaling siya ay ayos lang. That was fine with me, as long as he just got better. Alliyah is also my friend and I have a lot of trust in her.
I've already prepared his belongings that we will take to the hospital. Sinulit ko na ang buong maghapon na kasama siya dahil pagdating ni Alliyah ay siguradong wala na akong lugar sa kanya. Matututok na kay Alliyah ang buong atensyon niya.
"L-Lilinisan na kita para nakahanda ka na pagdating ni A-Alliyah," alok ko sa kanya matapos kong ilapag sa tabi niya ang plangganita na may lamang maligamgam na tubig.
Mahina na rin ang kanyang katawan at palagi na lamang siyang nakahiga sa kama.
"T-Thanks.."
I smiled at his answer. That one word was enough for me. It just meant he still let me care for him and needed me.
I removed all coverings from his body. Sanay na rin naman ako at nakita ko na ang lahat-lahat sa kanya dahil sa tuwing malalasing siya dahil sa ibang babae ay ako lang din ang nag-aalaga sa kanya.
Dumarami ang mga pasa sa kanyang katawan na mas ipinag-aalala ko ng sobra. Palagi rin siyang nilalagnat na may kasamang panginginig. Naaabutan ko rin ang pagdurugo ng kanyang ilong kahit ilang beses niya itong itinatago mula sa akin.
I've researched the symptoms coming out of his body, and I can't stand it if my suspicion about his actual illness is true.
Sana hindi totoo. Mamamatay ako kapag nawala siya sa akin.
I started to wipe his neck. His eyes remained closed, and I dreamed he would stare at me at least once. I hope he sees me, too.
I was already in the lower part of his body when the doorbell rang. Kinumutan ko muna ang kalahati ng kanyang katawan bago tinungo ang pinto. Doon pa lamang din dumilat ang kanyang mga mata.
When I opened the door, shock immediately appeared in Alliyah's eyes.
"S-Sam?"
Wala siyang alam sa kung anumang relasyon ang mayroon kami ni Dylan. Ang tanging alam nila ni Chelle ay normal na magkaibigan lamang.
"Pasok ka."
Hindi ko siya magawang ngitian. I immediately turned my back on her and went back inside the room. Ramdam ko naman ang pagsunod niya sa akin.
"A-Alliyah."
Nakita ko ang walang kapantay na saya sa mga mata ni Dylan nang makita na niya sa Alliyah. Thousands of fucking needles pierced my heart in this fucking scene.
Noong oras ding iyon ay dinala namin sa hospital si Dylan. Si Alliyah 'yong talagang umaalalay at nais niyang makasama habang ako naman ang nakikipag-usap sa mga Doctor at sa mga kinakailangang gawing pagsusuri sa kanya upang ma-detect nila ang totoo niyang sakit.
Hindi rin naman nagtagal ay natuklasan na nga namin ang totoo.
Leukemia.
My world suddenly collapsed at what we found out. I hid my tears from Dylan. Para akong binagsakan ng langit at lupa. Paano nangyari ito? Nagkulang ba ako sa pag-aalaga sa kanya?
"Anong nararamdaman mo?" tanong ni Alliyah sa kanya habang siya ay nakahiga sa hospital bed at si Alliyah naman ay nasa kanyang tabi at hawak ang kanyang mga kamay.
"H-Happy. F-Feeling ko wala akong sakit dahil n-nandyan ka."
Parang piniga ang puso ko sa isinagot ni Dylan. Kasalukuyan akong nakatayo sa pinto at wala akong magawa kundi ang pagmasdan lamang sila.
"Magpagaling ka, ha. Hindi ako sanay na ganito ka. Narito lang ako at hinding-hindi ako aalis sa tabi mo."
Napayuko ako nang makita ko ang ginawang paghalik ni Alliyah sa kamay niya.
"K-Kapag g-gumaling na ba ako, m-magiging t-tayo na?"
Muli akong napalingon sa kanila nang marinig ko ang sinabi ni Dylan.
Sa mga sandaling ito ay hiniling ko na sana ay maging bingi ako dahil hindi ko kakayanin ang mga susunod na salitang maririnig ko.
Nakita ko ang malaking pag-asa sa mga mata ni Dylan habang nakatitig kay Alliyah. Nagsimulang lumabo ang aking paningin.
"Oo, kaya kailangan mong magpagaling."
Isa-isa na rin itong pumatak sa aking pisngi.
Kung may isa pang parte sa loob ng aking katawan ang nais kong i-donate, iyon ay ang puso ko.
Ayoko na nito dahil puro sakit lang ang dala nito sa akin.