Heira’POV WALANG TIGIL ang pagpatak ng luha ko sa mukha ko. Habang binabagtas namin ang lugar kung saan natagpuan sa ilog pasig ang batang pinatay sa saksak. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko dahil sa kung ano-anong masamang pumasok sa isip ko tungkol sa anak ko. Hindi ko mapigilang mag-alala para sa anak ko. “Panginoon. Iligtas nyo po ang anak ko. Nagsusumamo ako sa inyo. Wag naman po sanang anak ko ang natagpuang patay. Hinding-hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa kanya. Kung naging masama po ko si inyo. Ako na lang ang parusahan nyo. Mahal na mahal ko po siya. Nakikiusap ako sa inyo. Please!!” Hinawakan ni Dark ang kamay ko. Si Shawn Kasi ang nagda-drive ng kotse. Tumingin siya sa’kin at pilit na ngumiti. “Magtiwala ka lang Hippo.” Muling bumuhos ang

