Khyzzer Ace's POV ILANG beses kong sinipat ang akong wrist watch habang nakaupo sa loob ng isang High Class restaurant di kalayuan sa SPIA. Ito yung Restaurant na dinadayo ng mga Hign Class. Pas sosyal student ng SPIA. Konti lang ang nasa loob ng restaurant ng mga oras na 'to dahil oras pa ng klase. Hindi ako pumasok sa Pang-umagang klase ko dahil sa importanteng tao na kakausapin ko ngayon. Ilang minuto pa ang lumipas natanaw ko na ang babaing balingkinitan at maputi. Nakasuot ito ng school uniform niya na may makapal na make up sa mukha. Tumayo ako upang salubongin siya. "How are you?" Pinaghila ko pa siya ng upuam bago ako bumalik sa pwesto ko. "I'm good! Alam mo bang inaasahan ko na kakausapin mo ako." Ngumiti pa siya sakin at umupo. "Pareho pala tayo ng iniisip. Inaasahan ko na rin

