Heira's POV "Natutulog si Heira. Bakit mo naitanong?" PIKIT ang mga mata ko. Ngunit ang diwa ko ay gising na gising dahil sa naririnig kong kausap ni Dark sa cellphone niya. Sinadya kong magtulog-tulugan para akalain niyang tulog parin ako hanggang ngayon. "Stop calling to me. Magagalit si Heira sakin. Tigilan mo na ako." Nagpantig ang tenga ko. Sa tono ng boses ni Dark. Mukhang may nanggugulo sa kanya. Gusto ko sanang magpanggap na gising na at tanungin siya kung sino 'yon kaya lang siguradong malalaman niyang kanina pa ako gising at nakikinig lang sa pinag-uusapan ng kausap niya sa cellphone. "Last na ito, tigilan mo na ako. Gail!" Sabay off ni Dark sa Cellphone niya. Umakyat ang dugo ko sa ulo ko nang marinig ko ang pangalan ni Gail. So ibig sabihin si Gail ang kausap ni Dark. Pa

