Heira’s POV NASA HARAP ako ng mataas at malaking Gate ng mansion nila John Ace. Ang nakakalungkot. Parang bigla-bigla akong walang karapatang pumasok sa loob ng mansion. Hindi ako pinapasok ng Security guard at kahit makiusap ko at umiyak ako hindi niya ako pinapasok. “Manong Gardo, nakikiusap ako sayo. Papasukin mo ako sa loob. Gusto kong makausap si John Ace. Please! Maawa kayo sakin.” Pagsusumamo ko sa kanya. “Sorry po talaga Senyorita Heira. Ako po ang mawawalan ng trabaho kapag pinapasok ko po kayo. Alam nyo naman po na buntis ang asawa ko. Sorry po talaga.” Nagpadausdos ako sa Gate hanggang sa mapa-upo ako. Kahit anong iyak ko. Walang gustong maawa sakin. Ang anak ko gusto kong makita. “Heira!” Pagtingala ako nakita ko si Papa Frits. Nakahinto ang kotse niya sa harapan ko. “Pa

