Part 19: Panatag na Puso MIGUEL POV Isang malamyos na haplos sa aking ulo at batok ang aking naramdaman at dito ay nakita ko ang isang haliging pamilyar sa aking isipan. Ito ay walang iba kundi si Salem ang haliging nag gawad sa akin ng kapangyarihan. "Salem, bakit nagpakita ka pa sa ganitong sitwasyon? Nahihiya ako sa iyo dahil napakahina ko," ang wika ko sa kanya. Si Salem ay halos kasing edad lamang namin ni Malik. Gwapo ang kanyang mukha at napaka amo. Kung pagmamasdan mo ito ay para bang hindi siya marunong makipaglaban. Buhat noong isalin sa akin ni Salem ang kanyang kapangyarihan ay nakakausap ko na siya ngunit napaka dalang naman nito. Mabibilang mo lamang sa iyong daliri. "Kaya nga ako nagpakita sa iyo Miguel, dahil ang puso mo ngayon ay balot ng takot at pangamba, tila ba na

