Part 8: Sagradong Punla SUYON POV Namuo ang malakas na kalabog ng aking dibdib, ramdam na ramdam ko rin ang mabilis na pagtibok ng aking puso na parang isang dumadagundong na kalabog. Sunod sunod ito at walang humpay. Kasabay nito ang isang malalim na paglanghap na parang ito ang unang beses na huminga ako mula sa malalim na pagkakatulog. Dumilat ng aking mata at kasabay ito ang matinding kirot sa aking tiyan. Uhaw na uhaw ako, nanuyo ang aking lalamunan at ganoon rin ang aking labi. Dito ay nakita ko sina Mister Alponso, si Lucario at ang kanyang ina na si Naama na abala sa p*******i ng bundahe sa aking tiyan. "Gising ka na pala Suyon, lalaki ang iyong anak. Isang malusog at napakagwapong batang lalaki. Tatay na kayo ni Panginoong Lucario," ang wika ni Mister Alponso. Tila nakalimuta