Part 24: Panandaliang Tagumpay DEVON POV Mistulang suspended animation, pinakawalan ni Xandre ang malakas na enerhiya sa kanyang bibig. Inipon ko naman ang aking lakas sa aking katawan, ito na rin halos ang aking pinakahuling alas, Lumabas sa aking kamay ang isang malaking sibat na hugis krus o cross. Halos malaki pa ito sa akin kung tutuusin. Iyon ang sandatang ginamit ko kay Xandre sa huling sandali ng aming paghaharap. Ang lahat ay ginawa ko sa laban na iyon, ang lahat ng aking lakas ay ibinigay ko basta magtagumpay lamang. Iyon ang pinakamadugo at pinakamahirap na laban na aking naranasan. Ito ang masasabi kong pinaka nakakatakot sa lahat. At kahit natapos na ang aming sagupaan ay nakikita ko pa rin ang madudugong eksenang iyon sa tuwing ipinipikit ko ang aking mga mata. Pakiwari ko

