Parang ayaw na ni Crisma ang bumangon pa sa malambot na kama niya. Pasado alas otso na ng umaga at may usapan sila ni Shaine na magkikita sa Maynila ngayon pero pakiramdam niya ay tamad na tamad siya. Hindi kasi siya nakatulog ng maayos kakaisip kagabi. Hindi nawaglit sa kanyang isipan ang nangyari sa kanila ni Erik. Ano kayang ginawa ng binata pagkatapos nitong lumabas sa silid niya kahapon?! Hindi na kasi siya lumabas pa sa silid niya simula no'n. Nang tawagin siyang kakain na ay nagtulog-tulogan din siya. Aayos pa sana siya ng pagkakahiga kaya lang nag-ring ang cellphone niya. "'Asan ka na? On the way ka na ba rito sa Maynila? Si Crisanta parating na rito sa bahay, sabay na kaming pupunta sa restaurant mamaya. Mas excited pa 'yon na makita ka," sabi agad ni Shaine ng sagutin niya ang

