"Panchoy, ang ate mo?" takang tanong agad ni Erik nang makasalubong si Panchoy. Pano'y hindi niya yata napapansin si Crisma sa loob ng bahay. Napakaliit ng bahay na iyon kaya imposibleng 'di sila magkasalubong. Maliban na lang kung nagkukulong ito sa kuwarto dahil ayaw siyang makita. "Umalis po 'ata, Kuya," sagot ng bata na hindi lumilingon sa kanya. Abala si Panchoy sa panonood sa TV. Awtomatiko na napasilip siya sa kina-pa-parking-an ng kotse nila. Wala nga ro'n ang kotse ni Crisma. Napaisip siya? Sa'n kaya nagpunta ang babaeng 'yon? Mabilis niyang dinukot ang cellphone sa bulsa ng kanyang pantalon. At dinial niya ang number ni Shaine. "Kasama mo si Crisma?" "Nope. Sa isang araw pa kami magkikita raw, eh. She text me kanina," sagot ni Shaine sa kabilang linya. "Ah, okay. Thanks." Pi

