PART 4

850 Words
"Really?! Pinapaaral ka ni Miss Juliet Mejia?" manghang tanong ni Shaine sa kanya nang ikwento niya bakit at paano siya napadpad sa sikat na paaralan na ito ng USC. "Weh?! Maniwala ka naman sa negrang 'yan, Shaine!" kontra na naman ni Crisanta. Naglalakad silang tatlo papuntang canteen, para magmiryenda. "Totoo naman 'yong sinasabi ko, ah!" singhal niya kay Crisanta. Kanina pa talaga ito kontrabida, eh. Ang sarap tirisin talaga ng taong pimples na 'to! Tss! "At bakit ka naman papaaralin ni Miss Juliet, aber?!" "Basta gusto lang niya raw akong tulungan!" sagot niya na taas noo. "Pumunta siya sa lugar namin tapos 'yon naawa siguro siya sa'min. Bumalik siya tapos kinuha niya ako. Tapos pinatira sa bahay niya saka pinag-aral dito." "Ang bait talaga ng idol ko! Sana makilala ko siya!" nangniningning ang mga matang ani Shaine. Napamaang siya. "Idol? Idol mo siya?" "Oo, idol ko 'yon!" maliksing sagot ni Shaine. "Siya ang pinakamagaling na anchor o reporter sa TV para sa'kin! Lalo na sa mga documentary!" "Sikat siya?" maang pa rin na tanong niya. Alam niyang reporter si Ate Juliet niya pero hindi niya alam na sikat. Wala naman kasi silang TV sa bahay nila sa probinsya kasi walang kuryente. Saka akala niya mayaman lang ito. "Hindi mo alam? Saan bang lupalop ng mundo ka galing? Ibuinuga ka lang ng Mount Pinatubo kaya ganyan kulay mo, noh? My God!" ani Crisanta na napangiwi. Akala mo'y tae siya sa ngiwing-ngiwi. Inirapan niya ito. Kabwisit, eh! "Basta minsan isama mo kami sa bahay niyo, ha?" excited na ani Shaine. Hinawakan siya nito sa braso. "Sige ba! Pero ikaw lang hindi kasama 'tong tagyawat na 'to!" Maasim ang mukhang turo niya kay Crisanta pero joke lang niya 'yon. Kasi kahit gaano kasama ang ugali nito ay isasama pa rin niya syempre sa bahay nila, ay este sa bahay ni Ate Juliet niya pala. "Eh di huwag!" Simangot naman ni Crisanta. Nauna na itong naglakad na taas ang noo at mahaba ang nguso. Ang galing manupla pero pikonin din naman. Mga talaga, oh! Sinundan nila ito ni Shaine na nagtatawa. Nang may mapansin siya. Doon sa may parking lot. Doon sa madaming kotse. At iyon ay ang kanyang HERO! Napangiti siya ng maluwang na animo'y nakita niya ang kanyang crush. "Saglit lang," tuwang aniya kay Shaine. Agad niyang nilapitan ang kotseng kulay pula. "Ikaw nga!" saglit ay matinis ang boses niyang bigkas nang mabasa ang plate number ng kotse. 'Yon talaga ang kinabisado niya kanina, ang mga numero sa likod ng sasakyan. Takang nakatingin lang si Shaine sa kanya. "Mabuti at nakita kita ulit!" Tarantang kinapa niya ang panyo niya sa bulsa ng kanyang palda. Tapos ay pinunas iyon sa kotse. "Hala ka! Ano'ng ginagawa mo, Crisma?!" saway sa kanya ni Shaine na gulat na gulat sa kanyang ginawa. "Nagbabayad lang ako ng utang na loob, Shaine. Siya kasi ang hero ko!" Dinuruan niya ang salamin ng kotse at pinunasan ng panyo niya. Tuwang-tuwa siya sa ginagawa. Habang si Shaine ay napanganga at nandiri ang mukha. Lagot! "Wag kang mag-alala araw-araw kitang lilinisan my hero!" Dinuraan ulit ni Crisma ang salamin ng kotse at pinunasan ng may buong pagmamahal. Sabi kasi ng nanay at tatay niya, kapag ginawan ka ng kabutihan ay ibalik mo na bukal sa iyong kalooban. Kahit hindi tao ang kanyang hero ay hero pa rin niya ito. Tinulungan siya kanina kaya lilinisan niya ito ng bonggang-bongga. "Yuck!" Hindi niya alam ay nasasambit ni Erik na nasa loob pala ng kotse. Ngiwing-ngiwi ang binata. Napapatras pa ang ulo niya kapag dumudura sa salamin ng kanyang kotse ang babaeng negra. "What the f**k she's doing?!" At galit na niyang naibigkas. He's sleeping while ago. He just awakened kasi yumugyog ang kanyang kotse. Tapos nakita na lang niya si babaeng maitim na nililinis ang kotse niya gamit ang-- Damn! This is digusting! Akmang lalabas na siya ng sasakyan para sawayin ang dalagang maitim pero nakita ng mata niya kasi ang papalapit na sina Chloe kaya nagbago ang isip niya at ni-lock niya ulit ang pinto ng kotse. Nanood na lamang siya. "Hey! What are you doing on Erik's car?" Tinulak ni Chloe si Crisma. Muntik ng masubsob si Crisma sa semento. Buti nakakapit siya sa likod ng kotse. "Ahmm.. Chloe, nililinisan lang niya ang salamin kasi madumi," pagtatanggol ni Shaine sa kanya. "Really?! Why not try to clean also your damn ugly faces? Eh, mas malinis pa 'tong kotse ni Erik ko kaysa riyan sa mga face niyo, eh!" singhal sa kanila ng masungit na dalaga. "Aba'y!" Uupakan sana niya ito pero pinigilan siya ni Shaine. "Crisma, no!" "Ano lalaban ka?!" Tinulak-tulak sila ng dalawang kaibigan ni Chloe. "Hindi! Hindi! Aalis na kami," sabi ni Shaine na takot na takot. "Halika na, Crisma!" saka hila nito sa kaniya. "Pero.." Ayaw pa sana niya pero wala siyang nagawa nang hilain siya ni Shaine. Sa laki ng katawan nito ay 'di siya makapalag. An'lakas ni Shaine, eh! Palingon-lingon na lang siya sa kotse at kina Chloe na pinagtatawanan sila. "Bye oink oink! Bye Negra!" kaway pa sa kanila ng mga ito. Ang bubully! Grrr!.....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD