PART 13

839 Words

Parang maiihi si Crisma dahil sa kabang nararamdaman niya habang hinahatid nila ng tanaw ang magkakaibigang Chloe palayo sa kanila. "No! Huwag kayong umalis!" hiyaw ng kanyang isipan. "Huwag niyo akong iwan dito!" Parang gusto niyang maglupasay. Lagot siya nito! Nakangiwi niyang sinulyapan ang nakatagilid na mukha ni Erik na nasa kanyang tabi. Paktay! Nagtagumpay nga siya na palayasin sina Chloe pero lagot naman siya rito kay Erik. Ano ba kasing kapraningan 'yong nagawa niya? Saan galing ba kasi ng sinabig niyang iyon? Hay! Natampal niya ang sariling noo. Girlfriend siya ni Erik Raneses?! Kahit siya parang gusto niyang masuka, eh! Yuck! She can't imagine! Ew! Kailangan niyang kumilos. Sinamantala niya ang hindi nakatingin na binata sa kanya. Para siyang pato o itik na dahan-dahang hum

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD