PAGKATAPOS maayos ang kuwarto ay lumabas ng villa ang dalaga. Namataan niya si Nathan na nakaupo sa duyan na gawa sa gulong. Nasa tapat lang iyon ng villa kung saan mayroong mini floral garden. Lumapit siya saka umupo sa katabi nitong duyan. Kumapit siya sa malaking kadena na nagsisilbing tali nito. Sa tuwing umiihip ang hangin ay nasasamyo niya ang halo-halong bango ng bulaklak. Karamihan sa bulaklak ay rosas na may iba’t-ibang kulay. Napansin niya na malayo ang tingin ni Nathan. “Is your family okay?” tanong niya rito. “Yeah, of course,” sagot nito. “Did you agreed to your Mom’s reincarnation?” usig niya rito. “Actually, no, but I don’t have a choice. She chose it.” “So, nagalit ka sa kanya noong nalaman mo na isa na rin siyang bampira.” “I felt mad, but I chose not to show it to h