Chapter 40 Hindi akalain ni Karen na magiging mini reunion pala ng kanilang school batch ang birthday party ni Pia. Ang buong akala niya ay isa lamang iyong simpleng family celebration ngunit nagulat siya ng isa-isang dumating ang mga bagong bisita pag-patak ng alas-dose ng tanghali Halos lahat ng school mates nila ay inimbitahan pala ng magaling niyang kaibigan. Nagulat pa siya ng dumating ang pinsan niyang si Josh at Lucas. Naroon rin si Samantha ang ex-girlfriend ng kuya Lucas niya. Mukhang ngayon lamang nagkita ang mga ito pagkatapos ng mahabang panahon. Kahit siya ay nagulat sa transformation ni Samantha. Ang babaeng pinakapanget sa school batch nila noon na pinag-agawan ni Josh at Lucas. Kasalukuyan silang nag-eenjoy sa beach front ng Ventacourt mansiyon kung saan madalas silang