Chapter 12 "Wala na tayong oras para maghanap ng papalit kay Samuel!" Natatarantang sambit ni Karen habang hawak niya ang kanyang cellphone na nasa tapat ng kanyang tenga. Paulit ulit niyang tinatawagan si Samuel. Ang modelong nagkaroon daw ng biglaang bulutong. Ngunit hindi ito sumasagot sa mga tawag niya Pari-parito siya sa loob ng dressing room ng modelo. Silang apat lamang nila Pia , Nathan at Joan ang naroon sa loob ng kwarto. Naging busy na rin kasi si Lester sa mga modelo nitong rarampa rin sa gabing iyon. Halo-halong kaba at pagkadismaya ang kanyang nararamdaman. Bakit ba ngayon pa tinamaan ng bulutong ang modelong iyon? Kung kailan araw mismo ng fashion show! "Kalerky naman.. Sagutin mo please!" Naiiritang sambit niya habang patuloy niyang paulit-ulit na tinatawagan si Samuel