Chapter 45

1088 Words

Chapter 45 Nagising si Karen na para bang hinahalukay ang kanyang sikmura. Kaya naman agad siyang napabangon sa kama at patakbo siyang pumunta sa banyo upang doon siya dumuwal. Early signs of pregnancy. Iyon ang nasa isip niya kaya naman hindi na siya nagugulat pa sa reaksiyon ng kanyang tiyan tuwing umaga. Ipinaliwanag naman sakanya ng doctor na madalas ay makakaramdam siya ng pag-kahilo at pagduwal lalo na tuwing umaga. Ngunit hindi niya nasisigurado kung ang mga bulaklak sa sahig ng kanyang kwarto ay parte ba ng pagbubuntis niya? Nagdedelisyon ba ang mga buntis? Bakit napakadaming bulaklak sa sahig? Baka nga early sign of pregnancy rin ang mga bulaklak na nakikita niya. Hindi na niya pinansin ang mga bulaklak sa sahig na nakakalat dahil malapit ng lumabas ang laman ng bibig niya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD