Chapter 3

2410 Words
Chapter 3 "Ma'am karen bakit malungkot ka yata?" Napatingin si Karen sa isa sa mga sales lady ng Karhoppie dress shop na pagmamay-ari niya. Mayroon siyang sampung sales lady at dalawang security guards. Nasa top listed luxury brand ang Karhoppie kaya naman ilang branches na rin ang napatayo niya. Every week ay umiikot siya sa ibat-ibang branches ng kanyang dress shop business. By air or by land. Sa Pilipinas man o sa ibat-ibang bansa. Maraming beses na rin siyang napasali sa mga exclusive fashion show sa new york and LA. Ngayong umaga ay narito siya sa makati city branch dahil ito ang madalas niyang dalawin. Paborito niya kasi ang mga empleyado niya doon at higit sa lahat malapit iyon sa mansiyon nila sa BGC. Napabuntong hininga siya habang iniisa isa niya ang mga limited edition dress na nakasampay sa isang estante. Maayos iyong nakasalansan bawat isa at halos ayaw madumihan kahit alikabok lamang. "Nagka-crush kana ba?" Wala sa loob na tanong niya sa sales lady. Bahagya itong nagulat sa kanyang tinanong. "Ay ma'am karen problemang puso pala ang problema mo. Himala po yata?" Nakangiting tanong nito sakanya Her employees are super close to her. Mabait daw kasi siyang boss ayon sa mga ito dahil nakakasundo niya ang lahat ng empleyado niya at higit sa lahat mataas siyang magpasahod. "I just met him two days ago. Pero last night parang binasted niya ako. He don't like me daw.." Nakalabing pagkukwento niya dito Napakunot naman ang nuo nito "Ho? Sino hong lalake ang aayaw sayo ma'am? Napakaganda mo at napakabait pa. Aba bulag yata ang lalakeng iyan?" Napabuntong hininga siyang muli. Mukhang hindi nga kasi talaga nakikita ni Nathan ang taglay niyang kagandahan. Mula pa noong bata siya ay siya na ang number one crushes ng mga lalakeng nakikilala niya Bukod tanging si Nathan lamang ang lalakeng tumangi sakanya. Sa kamalas-malasan naman ay ito pa ang nag-iisa at kauna-unahang lalakeng nakakuha ng atensyon niya Hindi niya maintindihan kung bakit napaka-lakas ng atraksiyon na nararamdaman niya para sa binata. She just love the way he is. The way he talked and the way he looked at her eventhough he's eyes are emotionless. Para bang may magnet ito sa katawan na hinahatak siya papalapit dito upang magustuhan ito ng husto Hindi man lang siya na-turn off sa pagiging straight forward nito. Kahit pa harap-harapan nitong sinabi sakanya na hindi siya nito gusto ay para bang umaasa parin siya. "Siguro nga bulag siya." "Kung hindi yan bulag ma'am baka may iba na yang minamahal?" Tinignan niya ng masama ang empleyado niya kaya napangiwi ito. "J-Joke lang ma'am Karen. Mukhang seryoso ka nga diyan sa crush mo ha? Kung ayaw niya sayo itanong mo po kung bakit at kung ano po ba ang gusto niya sa isang babae?" Muli siyang napabuntong hininga. Pagkatapos kasi ng napakatahimik nilang dinner date kagabi ay hinatid na siya nito sa mansiyon. Hindi niya tuloy maiwasan maalala ang pangyayari kagabi (Flashback) Ihininto ni Nathan ang kotse niya sa mismong tapat ng kanilang mansiyon. Nag presinta kasi ito na ipagmaneho siya pauwi sa kanilang mansiyon at mag tataxi nalang daw ito pauwi. Tuwang tuwa nga siya dahil doon. Kahit pala suplado ito at maginoo parin. Ngunit napakatahimik naman nito sa buong biyahe nila. Nakuntento nalang siya sa pasimpleng pag-singhot ng panglalakeng perfume nito na masarap amuy-amuyin. Wala talaga siyang makitang kapintasan sa lalakeng ito. Kanina niya pa pinagmamasdan ang napakagwapong mukha nito. Kahit side view ay talaga naman napapakagat labi siya. Natural kasing mapula ang labi nito at may kaunting bigote pa ito na talaga namang nakadagdag sa pagiging lalakeng lalake nito. Gustong gusto niya rin ang haircut nito na pang-boy next door ang datingan. "T-Thank you sa paghatid sakin Nathan--" Pinutol agad nito ang kanyang mga sasabihin. "Ma'am sana po ito na ang una at huling date natin. Pasensya na po kung tinatapat ko na po kayo ngayon palang. Wala po talaga akong oras at panahon sa pakikipag-relasyon. Thank you for understanding miss hoffman. I'm really sorry. I have to go now." Magalang at seryosong sambit nito kaya napanganga nalang siya ng nauna pa itong lumabas ng kanyang kotse Napahawak nalang siya sa kanyang dibdib dahil may kirot siyang naramdaman banda doon. "Aray ko po.." (End of Flashback) "Ma'am karen? Natulala ka nanaman po diyan" Ipinilig ni Karen ang kanyang ulo dahil naalala nanaman niya ang huling pag-uusap nilang dalawa ni Nathan kagabi. Mabuti nalang at kinalabit siya ni Joan. Ang isa sa mga empleyado niya. "Ang hirap palang mabasted no? Gosh ang dali dali lang mangbasted pero hindi ko akalain na ganito pala kahirap pag ako na yung babastedin. I just can't believe it.." "Naku ma'am huwag niyo na po iyang dibdibin dahil napakadami naman hong nagkakagusto sainyo. Mga sikat na artista pa nga ho eh." Isang buntong hininga nalang muli ang kanyang isinagot. Ngunit sabay silang napalingon kay Pia ng bigla itong sumulpot sa dress shop niya. Papasok palang ito ng Karhoppie dress shop ay maririnig na ang malakas na boses nitong tinatawag siya. "My lovely bestfriend! Kareeen? I'm here!" Napalunok siya ng mapatingin sa likod ni Pia. Nasa likod kasi nito ang lalakeng gumugulo sa kanyang systema. Napatingin rin ang mga empleyado niya kay Pia at Nathan ng pumasok ang mga ito sa kanyang dress shop Nagningning agad ang mga mata ng mga sales lady sa loob ng shop nang makita nila ang napakagwapong lalakeng kasama ni Pia. Muli siyang napalunok ng magkatinginan silang dalawa ni Nathan. As usual seryosong seryoso parin ang mukha nito. Parang tumalon naman ang kanyang puso ng magtama ang paningin nila. Ito lang talaga ang lalakeng nakakapagparamdam sakanya ng ganitong pakiramdam. Nag iwas agad siya ng tingin kay Nathan "Ang shocks ang gwapo!" Rinig niyang bulong ng isa sa mga sales lady niya na nagkukumpulan sa gilid at pinagtitinginan ng mga ito si Nathan He is wearing a dark blue polo shirt. Mukha itong business man at hindi ito mapagkakamalan na driver lamang ni Pia. Ayos na ayos nanaman ang buhok nito kaya mas lalo itong gumagwapo. Napakalinis nitong tignan. Iyon pa naman ang pinakagusto niya sa isang lalake. Ang lalakeng malinis sa pangangatawan. Ayaw niya kasi sa mga lalakeng mukhang marumi. "P-Pia what are you doing here?" Nagtatakang tanong niya ng salubungin niya ang mga ito Nakipagbeso beso naman agad ang kanyang bestfriend sakanya bago ito bumulong ng pasimple sakanyang tenga "Siyempre pinagaganda ko ang umaga mo.." Pilya nitong bulong sakanya Napangiti tuloy siya dahil sa sinabi nito. Saglit niyang sinulyapan si Nathan na tahimik lamang sa likod ni Pia. Nagtama muli ang kanilang paningin dahil nakatingin ito sakanya Sinubukan niyang ngitian ito upang mabawasan ang kakaibang pagkabog sa kanyang puso. Parang tumalon naman ang kanyang puso ng tipid itong ngumiti pabalik sakanya. Kahit sa tingin niya ay ngiting pag-galang lamang iyon ay masaya parin siya. "Mag-shopping ako ng dress ngayon. Sa tingin ko kasi may sale ka ngayon dito eh" Nakangiting sabi ni Pia sakanya "S-Sure sige mag-shopping ka lang kahit tagalan mo pa" Pilya niya ring sagot sa kanyang bestfriend Lalo naman nasabik mamili ng damit ang kanyang kaibigan. Kung palagi nitong kasama ni Nathan sa pag-shopping nito ay talaga namang ililibre niya pa ito ng mga damit kahit araw araw kung gusto nito. Basta't kasama nito palagi si Nathan. "Diyan ka muna Nathan. Mamimili lang ako ng damit.." utos ni Pia kay Nathan Tumango naman si Nathan bago ito tumayo sa bandang gilid. Kinilig naman ang ilang sales lady na naroon. "Hello Sir" Sabay sabay pa halos na pagbati ng mga ito kay Nathan na para bang nakakita ng artista ang mga ito Isang tipid na ngiti lang rin ang sinagot ni Nathan sa mga ito bago ito muling sumeryoso. Sanay na si Karen sa mga driver ni Pia na mga bodyguards rin nito kahit noon pa man. Anak kasi ito ng isang sikat na senador kaya naman kailangan nito ng sapat na proteksyon. Pero ngayon lang yata naging ganito kagwapo ang driver s***h bodyguard ni Pia. Pasimple niya tuloy sinenyasan ang mga empleyado niya na magsibalik na sa kanilang mga pwesto "Do you know, Kay Karen ang shop na ito?" Tanong ni Pia kay Nathan ng mapadaan doon si Pia sa mismong kinatatayuan ni Nathan. Tumingin muna si Nathan sakanya kaya pinigilan niyang mapangiti. Sa isang sulyap lang kasi nito ay parang nahuhulog na talaga ang kanyang loob dito "Yes ma'am" Maiksing sagot lang ni Nathan Nais niyang mapangiti dahil tila pinapabango ni Pia ang kanyang pangalan sa lalakeng ito "She's very good right? Imagine design niya ang lahat ng damit na nakikita mo ngayon? Napakagaling at talentado talaga ng best friend ko. Diba girls?" Tanong pa ni Pia sa mga sales lady na nadadaanan nito Pinipigilan niyang mapangiti dahil natutuwa siya sa pag-build up nito sakanya sa harap ni Nathan "Opo ma'am Pia!" Halos sabay sabay namang sagot ng mga empleyado niya "Si Miss Karen na po yata ang pinakamagaling na fashion designer sa buong mundo!" Sabi pa ni Joan. Napangiti siya dahil tila pinagtutulungan yata siya ng mga ito para magkaroon ng ganda points sa kanyang ultimate crush. "Sa tingin niyo makakakita pa ba ng ibang babae si Nathan sa buong mundo na kasing galing ni Karen? I mean bilang fashion designer?" Makahulugang tanong ni Pia sa mga ito Nagkatinginan naman ang mga empleyado niya at tila nahulaan na ng mga ito na si Nathan ang lalakeng kinukwento niya kanina sa mga ito Napangiti ng husto ang mga sales lady niya at nagsenyasan ang mga ito. "Nako wala na po! Si Ma'am Karen na talaga ang pinakamagaling na fashion designer sa buong mundo!" Sabi ulit ni Joan "Pinakamagaling at pinakamaganda pa!" Singit naman ng isang empleyado niya "Hindi lang maganda kundi napaka-bait pa na boss!" Segunda pa ng isa kaya naman lalo siyang napapangiti. Napahawak nalang nga siya sa isa sa mga damit doon dahil natutuwa siya sa mga sinabi ng mga ito. Kinikilig siya sa mga sinasabi ng mga empleyado niya. Sige lang sabihin niyo lang mga good qualities ko girls! Para makita naman ni papi Nathan kung gaano ako kagandang babae! Hihihi --- Sabat naman ng kanyang sariling pag-iisip habang nakangiti siya at pinamumulahan ng kanyang mga pisngi Tipid lamang nakangiti si Nathan. Parang nahihiya pa nga ito sakanila dahil halatang halata namang binubuyo siya ng mga ito para dito. "Higit sa lahat virgin pa yan si ma'am Karen!" "No boyfriend since birth pa! Kumbaga swerte talaga ang magiging first boyfriend ni ma'am!" Doon siya tila nataranta. Parang sumobra yata ang mga bibig ng kanyang mga empleyado kaya sinenyasan niya ang mga ito gamit ang pagkurap ng kanyang mga mata. Napangiwi naman ang mga ito at nagets agad ang kanyang senyas. "Kayo talaga oh! Sumipsip pa talaga kayo ha? Back to work na nga kayo" Awat niya sa mga ito at pasimple niya pang kinurot ng pabiro ang tagiliran ni Joan. "Sorry ma'am napasobra.." Nakangiwing bulong ni Joan sakanya at nag peace sign pa ito sakanya "Kalerky ka gurl. Sige na back to work na kayo.." Pasimpleng bulong niya rin dito bago siya tumingin kay Nathan. Seryoso lamang itong nakatayo sa kinakatayuan nito. Mabuti naman at balewala lang dito ang mga pinagsasasabi ng mga empleyado niya "I want all of this.." Lumapit naman si Pia sakanya habang may hawak ito limang dresses. Nais mapataas ng kilay niya dahil limited edition pa talaga ang mga kinuha ng bruhang bestfriend niya. Mukhang mahal ata ang talent fee nito "Magkano to my lovely bestfriend?" Malambing na tanong ni Pia sakanya habang kukurap kurap pa ang mga mata nito Saglit niya itong nilapitan at pasimpleng binulungan "Kalerky ka ang mahal ng talent fee mo ha?" Bulong niya kaya napahagikgik ito ng malakas "Gosh bestfriend ang bait mo naman! For free talaga?" Sabi pa ni Pia kahit wala pa naman siyang sinasabing presyo Hinalikan na nito ang magkabilang pisngi niya kaya wala na siyang nagawa. "Thank you so much bestfriend!" Malambing pang pasasalamat ni Pia sakanya Nakatingin lamang si Nathan sakanila kaya ngumiti nalang rin siya kahit gusto niyang pektusan ang kanyang bestfriend. Inutusan na niya ang isa sa mga empleyado niya na ilagay sa isang special boxes ang mga damit na napili ni Pia. "Nathan pwede mo bang samahan si Karen?" maya maya tanong ni Pia kay Nathan kaya naman sabay silang napatingin dito Hindi nakaligtas sakanya ang bahagyang pagkunot ng nuo ni Nathan. "Where?" Medyo suplado nitong tanong Ngumiti ng pilya ang kaibigan niya kaya kinabahan siya. Hindi niya alam kung saan siya kailangan samahan ni Nathan? Wala naman siyang pupuntahan ngayong araw na ito? Ano kayang plano ni Pia? "Kay Grandma. Tuwing monday kasi dumadalaw kami ni Karen kay Grandma kaso hindi ko siya masasamahan ngayon dahil may lakad kami ng asawa ko. Pwede mo ba siyang samahan for me?" "Kay Donya Corazon po ba?" Tanong ni Nathan at parang nawala na ang pagkakakunot ng nuo nito Samantalang nakanganga naman siya. Muntik na niyang makalimutan minsan naman talaga ay dumadalaw siya sa lola ni Pia. Siya daw kasi ang paborito nitong apo kahit hindi naman siya apo nito. Ang madalas pa nga nitong sabihin ay "Ang paborito kong apo si Karen" Madalas kasi siyang nakikipagkwentuhan sa matanda sa tuwing may free time siya. Ngunit hindi tuwing lunes. Madalas isang beses sa isang buwan lamang iyon dahil sobrang busy rin niya sa kanyang clothing business. "Yeah!" Masiglang sagot ni Pia Napatingin si Nathan sakanya ng kaunti bago ito sumagot kay Pia. "Sige po sasamahan ko siya" Napalunok siya dahil hindi niya akalain na papayag ito! Hindi niya maitago ang kasabikan niya dahil napangiti siya ng husto. Tumalikod nalang siya upang hindi naman makita ni Nathan na sobrang saya niya. Nakangiti rin tuloy ang mga empleyado niya at halatang masaya ang mga ito para sakanya "Saan ka pupunta bestfriend?" Tanong ni Pia dahil naglakad na siya palayo sa mga ito "I will use the bathroom" Sagot nalang niya kahit ang totoo ay magsisipilyo muna siya doon at mag-reretouch "Bilisan mo lang bestfriend baka magbago pa isip ni Nathan!" Biro ni Pia sakanya kaya tuloy napatakbo na siya na parang bata papunta sa bathroom Bahagya naman napangiti ng kaunti si Nathan dahil sa pagtakbo niya "Uuyyy napapangiti kana ha?" Tukso ni Pia kay Nathan kaya sumeryosong muli ang mukha nito "Nakakatuwa lang po kasi kayong dalawa" Palusot nito kaya lalong kinilig si Pia "Alagaan mong mabuti ang bestfriend ko ha? I mean sa pagmamaneho." Makahulugang paalala ni Pia kay Nathan Isang tipid na ngiti nalang ang sinagot ni Nathan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD