Chapter 4

2299 Words
Chapter 4 Her POV Wala naman nangyari sa naging lakad ni Paul kahapon noong nag punta sya kila Faith kaya tumambay na lang sya dito sa bahay namin pero agad ko din syang tinaboy pauwi sa bahay nila dahil madami akong gagawin dahil may pasok bukas at pag inabutan sya nila papa paniguradong late nanaman syang makakauwi dahil medyo close na sila ni Papa at may mga pinag-uusapan sila na sila lang dalawa ang nakakarelate sa isa’t isa. Ang totoo kasi hindi kami magkaparehas ng course na magkakaibigan, Ako ang course ko Accountancy saka sila Anthony, Leth at ate Lynn samantalang si Aih, Pol, Ej at Paul engineering ang course kaya lang naman kami nagkakasama or naging magkaklase dahil sa mga minor subjects namin pero other than that hindi na. Ngayon kasalukuyan akong busy sa pinapagawa sakin ng prof namin sa minor subject namin kaya ang buong barkada andito sa room at nagkakagulo silang lahat pero hindi ko sila pinapansin dahil madami akong kailangan tapusin. “They di ka pa ba tapos dyan?” tanong sakin ni ate Lynn at umiling ako sa kanya habang busy sa pag ta-type sa laptop ko, umupo sya sa tabi ko at hinayaan ko lang sya. “Paul may itatanong ako sayo!” tawag ni ate Lynn kay Paul kaya lumapit sya samin at umusog naman ako palayo sa kanilang dalawa at hinayaan silang mag usap. “Ate Lynn anong kailangan mo sakin?” tanong nya kay Ate Lynn. “May update na sa inyo Faith?” tanong ni ate Lynn kaya tumaas ang kilay ko. Update? Wala naman update sa dalawa na yon dahil kung hindi wala sa bahay nila si Faith, tinataboy naman sya. “Hindi ba sayo nagsasabi si They?” tanong ni Paul kay ate Lynn kaya naman nilingon ko silang dalawa. “So, may alam ka? Bakit hindi ka nag kukwento sakin?” tanong nya sakin at nilapitan ako. “Ikwento mo na lang Paul at busy ako!” sabi ko kay Paul at ipinagpatuloy ang ginagawa ko. “Teka nga so nagkakausap talaga kayong dalawa?” hindi makapaniwalang tanong ni ate Lynn at nagulat ako ng bigla nyang isinara ang laptop ko kaya sinamaan ko sya ng tingin. “Ate Lynn naman may ginagawa ako!” reklamo ko sa kanya at akmang bubuksan na ulit ang laptop ko ng inilayo nya yon sakin. “Ate Lynn I need to finish those documents!” sabi ko sa kanya. “Ibigay mo na yan kay They, ako na ang mag kukwento sayo.” Sabi ni Paul sa kanya kaya tinaasan nya kami ng kilay. “Ung totoo anong score nyong dalawa? May hindi ba ko alam?” tanong pa nya kaya inirapan ko sya. “Ate Lynn naman kung makapag react ka dyan parang may malaking kasalan kaming ginawa saka masama ba na maging close kaming dalawa ni They?” tanong ni Paul sa kanya at umiling si Ate Lynn “Nakakagulat lang na dati kasi hindi naman kayo nag papansinan na dalawa at wala kayong pakielam sa isa’t isa pero ngayon mukang mas close pa kayo kesa sa dati” sabi nya samin. Big deal ang pagiging malapit ko kay Paul? “Ate Lynn wag mong gawing big deal to.” Sabi ko sa kanya “Okay hindi na!” sabi nya at ibinalik sakin ang laptop ko at bumulong “Mag kukwento ka sakin!” sabi nya at tumango ako sa kanya saka umalis na sya kaya kami na ngayon ni Paul ang magkatabi, binuksan ko na ulit ang laptop ko at bumalik sa ginagawa ko. “Para saan ba yan?” tanong ni Paul habang nakatingin sa ginagawa ko. “Kailangan to ni Prof para sa dadating na foundation, teka bakit ka nga paka andito hindi ba dapat nag papractice ka?” tanong ko sa kanya dahil varsity player sya at ang alam ko excuse sila sa lahat ng klase dahil sa dadating na foundation day at may laban din sila non. “Mamaya pa simula ng practice namin, manonood ka ba?” tanong at umiling ako sa kanya “Bakit?” tanong nya sakin. “Si Faith kaya ang yayain mong manood ng practice nyo kita mo naman na may ginagawa ako diba saka wala naman akong mapapala sa panonood ng practice nyo.” Sabi ko sa kanya at hindi inaalis ang atensyon sa ginagawa ko. “Sabagay may point ka and speaking of Faith nag text sya sakin kanina” sabi nya at ipinakita sakin ang text ni Faith. “Kaya pala masaya ka!” sabi ko at inalis ang nakaharang nyang phone sa ginagawa ko. “Of course, I’m happy” sabi nya at tumango ako sa kanya. “Puntahan mo na kaya si Faith dahil anong oras na baka nakauwi na yon!” sabi ko sa kanya kaya naman nagmamadali syang umalis sa tabi ko at lumabas ng room. Isinara ko na ang laptop ko saka yon tinago sa bag ko. “Oh, tapos ka na?” tanong sakin ni Ej ng makita akong nag liligpit ng gamit “Hindi pa, sa bahay ko na lang gagawin at isesend ko na lang kay Sir thru email” sabi ko sa kanya at tumango sya sakin. “Ej hinahanap ka na sa gym!” sigaw ng isa sa block mate namin kaya tinaboy ko na paalis si Ej. “Umalis ka na at mag practice!” sabi ko sa kanya at tumango sya sakin saka lumabas ng room. “They nood tayo ng practice!” sabi sakin ni Ate Lynn at umiling ako. “Ayoko wala naman akong mapapala don eh, dito na lang ako sa room.” Sabi ko sa kanya “Anong gagawin mo dito eh halos ng mga kaklase natin pumunta na sa gym at covered court para manood ng practice” sabi nya kaya inilibot ko ang paningin ko at tama nga si Ate Lynn na wala na nga sila at kami na lang ang naiwan dito ni Ate Lynn. “Ikaw na lang talaga, uuwi na lang ako o tatabay sa library” sabi ko sa kanya kaya naman bigla syang tumabi sakin. “Sige maiiwan na lang din ako dito” sabi nya at humalukipkip pa. “Hindi mo papanoorin ang boyfriend mo?” tanong ko sa kanya at umiling sya “Hindi, mag kwento ka na lang sakin kung ano ang istorya nyo ni Paul at bigla na lang kayong naging close na dalawa.” Sabi nya sakin kaya napabuntong hininga na lang ako. “Nagsimula lang namin kaming mag usap noong nagreply ako sa text nya sayo saka nung asa Tagaytay tayo, tapos pagpumupunta sya kila Faith dadaan sya sa bahay namin dahil madalas kasing hindi nya naabutan sila Faith sa bahay nila at kung maanutan man nya itinataboy naman sya.” Kwento ko sa kanya “Kaya pala hindi na nag tatanong sakin si Paul ikaw pala ang laging kausap.” Tumatangong sabi nya. Nagkibit balikat ako sa kanya “I’m just trying to help” sabi ko “Lagi naman They, ikaw ung kilala kong ang hilig tumulong sa kapwa kaya hindi ako mag tataka kung isang araw magkaroon ka na ng boyfriend” sabi nya at kung may iniinom lang siguro ako naibuga ko na. “Ate Lynn naman, hindi pa ako handa na buksan to!” sabi ko at itinuro ang dibdib ko. “Bakit ba kasi hindi mo subukan?” tanong nya. “Para naman hindi ko na ikwento sayo kung bakit diba! Alam mo ang pinagdaanan ko kaya hindi pa handa tong puso ko na magmahal ulit.” Sabi ko sa kanya at pilit na ngumiti. “They hindi napipigilan ang puso, pag tumibok yan dirediresto na” sabi nya sakin at alam ko naman yon kaya nga pagnaramdaman ko na, na meron na nga lalayo na ko. “Alam ko at handa ako sa gagawin ko para maiwasan yon” sabi ko sa kanya kaya nailing na lang sya sakin. Wala naman masama kung sasaraduhan ko ang puso ko dahil hindi pa ako handa hindi namna sa lahat ng pagkakataon nakabukas tong puso ko at tatanggap na lang basta basta, natuto na ako sa pagkakamali ko noon at ayoko ng maulit pa yon, I don’t want history will repeat itself. “Desidido ka na ba talagang hindi ka manonood ng practice?” tanong sakin ni Ate Lynn at umiling ako sa kanya. “Sige kung ayaw mo manonood na ko, text na lang kita later!” sabi nya at tinanguan ko sya saka lumabas na sya ng room kaya naiwan na lang akong mag isa dito, kanina ang ingay ng room dahil sa kulitan ng mga kaklase ko ngayon biglang tahimik dahil wala na sila. Tumayo ako at binitbit ang gamit ko saka pumunta na lang ng library para magbasa sana pero napatigil ako ng madaan ako sa music room at nakitang nakabukas yon kaya sumilip ako at may tao akong nakita na tumutugtog ng piano kaya kumunot ang noo at tiningnan ang oras. Hapon na at wala naman gumagamit ng music room sa ganitong oras saka wala naman event para magpractice ang music club, ibinalik ko ang tingin ko sa may stage pero kumunot ang noo ko ng wala na akong nakitang tao don at nakarinig ako ng pagsara ng pinto sa may likuran. Ibig sabihin doon sya dumaan. Sino naman kaya yon, kesa sa library ako pumunta pumasok na lang ako sa loob ng music room at lumapit sa may piano at umupo don. I once love playing piano pero ngayon hindi na, pumikit ako at nag simulang tumugtog ng piece na alam ko habang nakapikit at dinama ang musika pero ng malapit na ako sa chorus tumigil na ko at pununasan ang luhang tumulo sa mata ko. Bakit kahit ang tagal na masakit pa din? Andito pa din ang sakit sa dibdib ko! Tumayo ako at kinuha ko ang gamit ko saka kinalma ang sarili at lumabas ng music room. Hindi na sana ako tumugtog para hindi ko na naalala ang nakaraan. Huminga ako ng malalim saka nag lakad papunta sa parking lot para intayin ang sundo ko ng tumunog ang phone ko kaya naman inilabas ko yon sa bag ko at nakitang tumatawag si Ate Lynn kaya agad kong sinagot ang tawag. “Hello” bungad ko sa kanya, “They emergency pumunta ka ng covered court ngayon din!” sabi nya at binaba ang tawag kaya naman kinabahan ako. Anong nangyari? Tinakbo ko mula sa kinaroroonan ko ang covered court kahit na medyo malayo yon pero makilangan kong magmadali. Pagdating ko sa covered court hinanap ng mga mata ko si Ate Lynn at nang makita ko sya agad ko syang nilapitan “Anong nangyari?” tanong ko sa kanya. “Paul got injured!” sabi nya sakin kaya hinanap ng mata ko si Paul “Asan sya?” tanong ko sa kanya “Kadadala lang sa kanya sa clinic” sabi sakin ni Ate Lynn. “Ano ba kasing nangyari?” tanong ko sa kanya “Dapat titirahin nya ung bola pero namali sya ng bagsak, puntahan mo sa clinic walang kasama un don” sabi nya sakin na ikinakunot ng noo ko. “Ha? Tuloy pa din ba ang practice nila? Asan si coach?” sunod sunod na tanong ko sa kanya “Kailangan nilang mag practice at iniwan na nila coach don si Paul kaya nga pinapunta kila dito eh” sabi nya kaya nailing na lang ako sa kanya. “Sige pupuntahan ko na!” sabi ko sa kanya at iniwan sya don. Sana sa clinic na lang nya ko pinadiresto hindi sa covered court. Naglakad na ko papunta sa clinic at ng makarating ako agad ko syang hinanap. “Si Paul Lopez po?” tanong ko sa nurse at itinuro nya ako sa loob kung asaan si Paul. Lumapit ako sa kinaroroonan nya kung saan na nakita kong nakabenda ang paa nya. “Anong nangyari sayo?” tanong ko sa kanya. “Eto injured” sabi nya “Bakit kasi hindi nag iingat!” sita ko sa kanya at umupo sa tabi nya. “Gagaling din naman to kaya lang kailangan kong magpahinga para makapag laro gada ko.” Sabi nya sakin at tinanguan ko sya at magsasalita dapat ako ng may humahangos na lumapit kay Paul kaya naman napatayo ako at lumayo ng kaunti. “What happened? Asa gym ako kanina and sinabi lang nila sakin na asa clinic ka daw?” tanong ni Faith sa kanya. Asa gym sya ibig sabihin hindi nya pinanood si Paul magpractice dahil asa covered court ang lahat ng volleyball player dahil doon sila naka assign at ang asa gym naman ay puro basketball player. “Namali lang ako ng bagsak” sabi ni Paul sa kanya. “You should be careful!” sabi sa kanya ni Faith. “Alis na ko!” sabi ko kanila kaya naman nilingon nila ko. “Hi Althea!” bati sakin ni Faith kaya nginitian ko sya at umalis na. Wala na akong lugar don dahil dumating na si Faith, sya naman ang girlfriend kaya dapat lang na sya na ang magbantay kay Paul. Habang naglalakad ako nakasalubong ko si Ej na galing sa gym, “Bakit galing ka sa clinic?” tanong nya sakin. “Injured si Paul pinuntahan ko lang eh andyan naman na si Faith kaya umalis na ko” sabi ko sa kanya. “Nanood ka ng practice nila?” tanong nya sakin “Hindi! Tinawagan lang ako ni Ate Lynn kanina, dapat pauwi na ko pero tumawag nga sila sakin kaya napasugod ako sa covered court at sa clinic” paliwanag ko sa kanya habang nag lalakad kami. “Akala ko nanonood ka” sabi nya sakin. “Alam mo naman na hindi na ako nanonood ng kahit anong sports” sabi ko sa kanya at ginulo nya ang buhok ko. “Ang dami mong binago sa sarili mo dahil lang sa isang tao They!” sabi nya sakin at ngumiti lang ako sa kanya. “Eto pa din naman ako Ej walang nabago, umiiwas lang ako” sabi ko sa kanya. “Hindi yon ang nakikita ko They! Sinarado mo ang puso mo dahil lang sa nangyari sa nakaraan mo” sabi nya sakin at nauna ng maglakad sakin palayo, napatingala na lang ako at napabuntong hininga. Mapait na lang akong ngumiti at naglakad papunta sa parking lot kung saan andon na ang sundo ko kaya naman sumakay na ko sa kotse at umuwi sa bahay namin. Eto ang pinili ko kaya papanindigan ko ang ginawa ko. Hindi lahat ng bagay naibabalik pa sa dati lalo na kung ung dati na yon ay nagbigay sayo ng masakit na ala-ala. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD